Tapos na ang waiting period. Magiging masaya na ang bayan na tumatangkilik sa aktres na si Sylvia Sanchez.
From her role as “Nanay Tessie” of Aiza Seguerra and Jodi Sta. Maria sa morning serye na “Be Careful With My Heart” hanggang sa role niya bilang “Maymay” (lola) ng batang si Janna Agoncillo sa pampa-good vibes na “Ningning”, heto na si “Gloria”, ang bagong karakter sa telebisyon na mamahalin ninyo, kaaawaan, aalagaan, at iintindihin sa pagsisimula ng “The Greatest Love” sa Lunes, September 5, pagkatapos ng Doble Kara.
Akala ko nga ay maipalalabas na agad-agad ang inaabang-abangang kuwento ng buhay sa pamilya ni Gloria Alegre sa bagong panghapong teleserye sa Kapamilya Network.
Matapos magpalabas ng teaser ang istasyon noon, marami na ang nag-aabang. Marami ang naghihintay. Maikling teaser lang ‘yun na sa unang pagkakataon mo napanood, matutulala ka. Hindi ka kikibo. Direkta kang maapektuhan sa isang simpleng eksena na tatagos kaagad sa puso mo.
Kung hindi lang dahil sa kaibigan namin na si Sylvia Sanchez ang gaganap ng mahalagang papel bilang si “Gloria”, ang ina nina Dimples Romana, Matt Evans, Aaron Villaflor, at Andi Eigenman na magkaroon ng Alzheimer’s disease sa kuwento ng serye, kebs ko naman na ipu-push ko sa mga mambabasa at tagasubaybay namin ng kolumn na ito kung hindi kami naniniwala sa panghapong teleserye ng aktres.
Yes, simula ngayong Lunes, ang nabitin sa ipinakitang teaser ng panghapong drama ng buhay ay makapanonood na.
Sa katunayan, ang sipag ni Ibyang (tawag namin sa aktres) dahil left and right ang effort niya sa pagpo-promote ng “The Greatest Love”.
Last Friday, siya ang ka-Fast Talk ni Kuya Boy Abunda sa late night show ng huli. This Saturday, nasa “It’s Showtime” rin si Sylvia para sa promotion ng serye na for the first time ay sa kanya iikot ng kuwento. In short, siya si Gloria Alegre, ang bida.
Kung tama ang bilang ko, sa loob ng 27 years ng kanyang career sa showbiz, itong “TGL” ang siyang kauna-kaunahang project niya kung saan siya ang bida.
No doubt na magaling na artista si Sylvia. Napatunayan na niya ‘yun sa maraming pagkakataon, hindi lang sa telebisyon,kundi pati sa pelikula.
“Kabado ako Roel,” sabi niya sa amin noong first wave ng promotion ng teleserye. “After the long wait, heto’t dumating sa akin. Sana maibigay ko at kami ng cast ang ini-expect ng publiko sa amin,” sabi ni Sylvia.
Good luck, my friend! Tulad ng punchline ni Kuya Boy sa mga guest niya sa kanyang TWBA, “Sylvia Sanchez… Ikaw Na!”
Reyted K
By RK VillaCorta