SAYANG at hindi pala kasama ang seryeng Pamilya Ko ni Sylvia Sanchez sa programang maibabalik sa ere via the new Kapamilya Channel.
Fan pa naman ako ng late afternoon serye na palagian ko pinapanood bago ko panoorin ang balita sa TV Patrol.
I’ve learned to love the characters ng mga anak nina Joey Marquez at Sylvia na sa dami nila, sina JM de Guzman at Kiko Estrada lang ang kilala ko. Yes, si Tita Perla Bautista syempre, playing Joey’s nanay at Rosanna Roces ay hindi ko makakalimutan.
Wala na ang Pamilya Ko, but more time naman para sa pamilya niya.
Dahil sa lockdown at sa isyung franchise ng ABS-CBN ay nahinto ang palabas. Tumigil ang taping sabay na rin ang pagka-infect ng aktres at ng mister niya ba si Papa Art Atayde sa COVID-19.
Sa totoo nga lang, ‘di ko na alam kung saan nahinto ang kuwento ng serye. As far as I can remember, naghiwalay ang mag-asawa. Lumisan si Joey, ‘di ko na alam kung nagkabalikan sila ng misis niya na si Ibyang (tawag namin sa aktres).
After three months, heto’t isa-isa nagbabalikan ang mga palabas ng ABS-CBN sa bagong Kapamilya Channel kung saan bahay ‘ puwesto ng dating ABS-CBN-Kapamilya Network na sa ngayon ay inilalaban pa rin ng mga pinuno ng istasyon ang legal isyu ng franchise at ani-anik.
Madami ang naghihinayang. Ang laki pa naman ang fanbase ng Pamilya Ko lalo na ni Ibyang
Sa pagbabalik ng ilang shows ere, isa ang Pamilya Ko ng aktres ang apektado at hindi na makakabalik sa ere just like sa late night show nina Liza Soberano at Enrique Gil kung saan ang mga bata, lalo na ang mga nanay at mga lola ang numero uno niyang taga-suporta.
Kung ano man ang mangyayari (with a new teleserye soon kaya?) sa aktres ay abangan na lang natin.
In her latest post sa social media, busy si Sylvia sa pag-aalaga ng kanyang pamilya (Papa Art, Arjo, Ria, Gela and the youngest na si Xavi) sa pamamagitan ng pagluluto ng mga home-cooked meals para sa mga ito.
Yes, nag-aral ang aktres ng culinary arts years ago and she owned a resto-bar in Greenhills and moved to a location near ABS-CBN during the time na bagong artista pa lang si Arjo.
In her latest FB post, sarap ng niluluto ng aktres sa kanyang family. Kung tama ako, she prepared lunch of tinapa pasta; lumpiang prito at adobong kangkong (na favorite ng panganay na si Arjo).
Nawala man ang seryeng Pamilya Ko , mas mas panahon ngayon ang aktres na makasama ang pamilya niya at makapagluto sa kanila.
Sa latest post ni Ibyang, tila may project sila ni Direk Adolf Alix Jr. together with Rosanna Roces.