HINDI NA lang pinapansin ng mahusay at award-winning actress na si Ms. Sylvia Sanchez ang pamba-bash ng ilang tao sa kanilang top-rating show na Be Careful With My Heart sa pagsasabing sobrang tagal na raw ito at kailangan nang tapusin.
Ayon kay Ms. Sylvia, normal lang daw naman na may mga taong hindi masaya sa magandang itinatakbo ng kanilang show.
“You cannot please everybody!” Dagdag pa niya, “May iba’t ibang opinyon talaga ang mga tao, may hindi nag-e-enjoy na manood ng show namin at alam naman namin na mas maraming nag-e-enjoy sa panonood nito. Hindi naman kasi tatagal nang ganito katagal ang Be Careful… kung hindi gusto ng mga manonood.”
Pero sa mataas na rating at dami ng TV Commercials ng teleserye, mukhang malabo pa itong magtapos nang maaga.
Dagdag pa nga ni Ms. Sylvia, marami pa raw dapat abangan sa show lalo na’t isinilang na ni Maya (Jodi Sta. Maria) ang kanilang twins ni Sir Chief (Richard Yap), at ang mga exciting na istorya ng lahat ng characters na bumubuo ng Be Careful With My Heart.
BIG WINNER sa katatapos na Mr. and Ms. Olive C Campus Model Search 2014 ang pambato ng UE Recto Manila na si Ryan Paul Artienda, 17 years old at ang 15 years old from St. Paul Quezon City at GMA Tween Star na si Ashley Nordstrom na ginanap sa SM City North Edsa Skydome last May 30, 2014.
Runners-up naman sina Christian Alano ng Colegio De San Lorenzo Quezon City (Mr. Olive C Luzon), Chester Padilla ng Columban College, Inc. (Mr. Olive C Visayas), Virgilio Pedrena Jr. ng FEU-Manila (Mr. Olive C Mindanao), Clarisse Perez ng PUP Manila (Ms. Olive C Luzon) Mhon Therese Menaling ng Cebu Doctors University (Ms. Olive C Visayas) at Lyka Dela Cruz ng FEU Manila (Ms. Olive C Mindanao).
Naging espesyal na panauhin naman ang GMA Prime Artist na si Hiro Magalona Peralta na siya ring kauna-unahang winner ng Mr. Olive C 2011 at ang Viva artist at Internet Group Sensation na UPGRADE, GMA Tweens Kate Lapuz at Joshua Joffe (Mr Olive C 2013 Finalist), hosted by Mr. John Nite and Jean Harn.
NAGING MATAGUMPAY ang katatapos na Mr. Gorgeous 2014 ng Prince of Xanadu na matatagpuan sa Scout Borromeo St., Brgy. South Triangle, Quezon City, kung saan naglaban-laban ang labing anim na nagguwa-guwapuhang lalaki mula sa iba’t ibang luagr sa Metro Manila.
Wagi bilang 2014 Mr. Gorgeous at nag-uwi ng tumataginting na P30,000 cash with sash and thropy si Myles John Palisoc; 1st runner-up naman si Louis Madrigal na nag-uwi ng P15,000; habang 2nd runner-up naman si Kirby Kier Nuestro na nakapag-uwi ng P7,500.
John’s Point
by John Fontanilla