NAIRAOS NI German Moreno NAng matiwasay ang kanyang 9th year para sa Eastwood City’s Walk of Fame.
Yes, pang-siyam na taon na ni Kuya Germs na bigyang-pagkilala at parangal sa mga natatanging mga showbiz celebrities at personalities hindi lang sa larangan ng entertainment, kundi pati na rin sa sports at mga iba pang fields of endeavor.
Last Monday, December 1, sa almost 29 recipients niya for 2014 tatlo lang ang hindi nakadalo dahil sa nasabing kaganapan.
Natuwa kami dahil ang kaibigang Sylvia Sanchez was recognized by Kuya Germs. Happy kami sa kaibigan namin dahil all out ang suporta sa kaya ng kanyang pamilya na nandodoon to witness the event.
Napaiyak si Sylvia dahil sabi niya, iba raw ang magkaroon ng sariling “star” (just like the Walk of Fame sa Hollywood sa US) na kinilala ang kanyang ambag at presence sa showbiz.
Hindi lang pala acting awards ang nagpapasaya sa kanya. Maging ang pagkilala sa kanya bilang isang showbiz personality ay iba raw ang feeling at saya na naibigay sa kanya.
Present during the event was Sylvia’s husband Papa Art Atayde (for the first time dumalo sa isang showbiz event like this; mother in law na si Ms. Pilar; mga anak na sina Arjo Atayde, Gela at Xavi. Her daughter Ria was missed dahil nasa New York ito for a vacation with friends.
Noon pa pala dapat nabuo ang Walk of Fame project na ito ni Kuya Germs during the term of Quezon City Mayor Mel Mathay. In short naaprubahan na ito pero nagkaroon ng kabagalan ang pagkilos ng konseho para masimulan.
Ang ganda ng plano ni Kuya Germs noong panimula ng kanyang Walk of Fame. Ang kahabaan ng Quezon Avenue mula sa Welcome Rotonda ay magiging “Walk of Fame” tulad sa Hollywood.
“May mga Pinoy movie characters in costumes in Darna, Kaptain Barbell, Valentina, etc. Mga exhibit na along the way papunta sa Quezon Memorial Circle, showbiz na showbiz ang ambience.
“Kahit sa QMC, magkakaroon diyan ng malaking theater kung saan doon gagawin ang mga awards night, movie premiere tulad ng Kodak Theater sa Hollywood na katabi ng Walk of Fame nila. Ang buong paligid ng circle, magkakaoroon ng mga tindahan ang mga artista na ang mga boutiques will be named sa kanila. Example, Dante Rivero Barbershop, Sylvia Sanchez Café at kung anu-ano pa,” salaysay niya.
Kaso sa planong naaprubahan ni former Mayor Mathay, walang nasunod. Walang natupad na kung hindi pa sa sariling effort ng kaibigan ni Kuya Germs, hindi pa maitatayo sa loob ng Eastwood ang kanyang Walk of Fame.
“Kung panahon ni Madam (Imelda Marcos) lang ngayon; matagal na sanang nag-materialize ang Walk of Fame na ito,” kuwento ni Kuya Germs sa amin.
Sa nasabing event last Monday, bukod kay Sylvia, binigyan din ng parangal ang mga sumusunod at kinilala at nagkaroon ng sarili nilang “Star” sina Angel Aquino kasama ang kanyang panganay na anak; Carmi Martin, Tony Ferrer with daughters Maricel Pangilnan and Mutya Crisostomo (who is now married to a visual artist); Chanda Romero with his Fil-Am hubby, Vice Ganda, Evangeline Pascual, Dante Rivero, Daisy Romualdez, Lisa Macuja, Allan K, Daniel Padilla, Kathryn Bernardo, Aiko Melendez with kids Andre and Martina at ang apo ni Kuya Germs na nagwagi ng Gold sa Archery sa China kamakailan. Absent sina Willie Revillame, Direk Joel Lamangan at Lito Legaspi sa parangal.
Next year sa 10th year ng Walk of Fame ni Kuya Germs, pangako niya na much bigger at mas maraming mga celebrities ang bibigyan niya ng parangal.
Congrats Kuya Germs for a job well done kahit hindi ka sinuportahan ng Quezon City Local Government.
Hanga kami sa dedikasyon mo sa industriya.
HINDI MAN nagwagi sa nakaraang Star Awards for Music si Michael Pangilinan, binigyan naman siya ng natatanging parangal ng Aliw Awards last Monday evening as Best New Male Artist.
Kinilala ang birthday boy who recently celebrated his birthday concert at the Music Museum last week ng isa sa mga prestigious award-giving organization na kumikilala sa mga artists sa kanilang mga live performance tulad ng mga shows, plays at concerts.
For the year 2014, masasabi na ito ang masasabing simula ng pag-usad ng career ni Michael who started two-three years ago. After the controversial Pare Mahal Mo raw Ako song na siya ang nag-interpret, malaki ang plano ng Star Records sa singing career ng binata.
Reyted K
By RK VillaCorta