Dalawang milestone ang pinagdiriwang ng Beautéderm Corporation ngayon. Ang una ay ang pag-renew nito kay Sylvia Sanchez bilang isa sa mga top celebrity brand ambassadors ng kompanya. At pangalawa ay ang paglu-launch nito ng bagong line of all-natural products.
Si Sanchez, bilang unang ambassador ng Beautéderm na ni-launch on a national scale, ay ang The Face Of Beautéderm – isang titulo na na para sa kanya talaga dahil patuloy niyang kinakatawan ang brand na pinagkakatiwalaan dahil sa pagiging epektibo ng mga produkto nito.
Mahalaga ang renewal na ito dahil nagwagi si Sanchez at mister niyang si Art Atayde sa kanilang laban sa Covid-19.
“It was a dark moment in my life,” sabi ni Sanchez. “Pero may nakita akong liwanag sa end ng tunnel. I know that great things are in store for me at may misyon pa ako sa buhay.”
Ayon naman sa Beautéderm President at CEO na si Rhea Anicoche-Tan, “Para ko na siyang Ate. Umiyak ako nung nag-postive sila ni Kuya Art and I, along with the entire Beautéderm family are overjoyed they survived. Ideal brand ambassador si Ate Sylvia as she does her responsibilities with all her heart.”
Dagdag pa ni Sanchez na hindi lang business ang relasyon niya sa Beautéderm, “Proud ako sa pag-endorse ng Beautéderm with my fellow ambassadors. Buo kami bilang pamilya. Rei Rei’s good heart and generosity inspires me dahil ang dami niyang tinutulungan lalo na ngayon.”
Upang sagutin ang demand ng natural beauty movement na nag-dedefine ng multi-billion beauty industry, inilunsad ng Beautéderm ang Beauté L’ Tous, Beauté L’ Cheveux, at Beauté L’ Elixir Skin Set – na lahat at pawang FDA Notified, gaya ng ibang pabolosong mga produkto ng Beautéderm.
“Isang taon kaming nagtrabaho sa pag-develop ng aming new products. We use only the most powerful ingredients to produce quality results exceeding the effectiveness of synthetic mainstream products,” sabi ni Anicoche-Tan.
Ayon sa mga pag-aaral, 60% of what is applied on the skin are absorbed by the body. Cosmetics-users could acquire an annual absorption rate of 5 lbs. worth of chemicals. Kaya naman lumilipat ang end-users sa natural beauty products.
Ang Beauté L’ Tous ay isang natural whitening hand and body lotion safe for all to use, habang a natural hair oil naman ang Beauté L’ Cheveux na nag-tame ng unruly tresses without the weight of synthetic silicone.
Ang Beauté L’ Elixir, ay isang all-natural skin set with acne buster properties made with nature’s best ingredients, consists of a refining toner, sunblock primer, at night fix créme na perfect para sa lahat ng skin types; mainam para sa adults at tweens; at ligtas para sa mga pregnant and lactating mothers.
“Sa edad kong ito, di na ako masyadong nag-make up at perfect ang Beauté L’ Elixir para sa akin. Gusto ko din ang berry scent ng Beauté L’ Tous, at di ko na kialangan mag-blower sa Beauté L’ Cheveux. I’m mindful of the products I use and this all-natural line is helping me with the healthy living I’m now advocating,” paliwanag ni Sanchez na bahagi ngayon ng online talk show na Pamilya Kuwentuhan, kasama ang cast ng Pamilya Ko na mapapanood tuwing Lunes, Miyerkoles, at Biyernes, 5 p.m., sa mga digital paltforms ng ABS-CBN.
Para sa karagdagang impormayon at updates ukol kay Sylvia Sanchez at sa pinaka-bagong line ng all-natural products ng Beautéderm, sundan ang @beautédermcorporation sa Instagram, i-like ang Beautéderm Corporation sa Facebook, at mag-subscribe sa Beautéderm TV sa YouTube.