BIYERNES ‘YUN. Aligaga ang kaibigang Sylvia Sanchez dahil kailangang operahan ang anak na pangalawa na si Rea na nakababatang kapatid ng young actor na si Arjo Atayde kinabukasan (Sabado) sa St. Luke’s Medical Center sa The Fort.
Biglaan. Wala sa schedule dahil maging ang aktres ngarag din sa taping schedule niya para sa Be Careful With My Heart (BCWMH) nina Ser Chef at Maya.
Noong Monday, wedding and reception rehersal sila at last Wednesday, kinunan ang pinakaromantikong wedding scene sa buong kasaysayan ng telebisyon sa Pilipinas.
Kuwento ni Ibyang sa amin noong nakaraang Sabado, “Tuhog ‘yong eksena na. Walang cut. Tuluy-tuloy kumukuha ang mga kamera. Akala mo totoong kasal ‘yong nangyayari. Kami na mga artista, umaakting lang na mula sa pintuan ng simbahan hanggang sa wedding ceremony, tuhog ang mga eksena. Ilang kamera rin ‘yung gumagawa na sabay-sabay.”
Kaya nga super ngarag siya dahil ‘yong kasalan na sa Taal, Batangas kinunan at ang wedding reception naman ay sa Laguna, ang hirap ng mobility nila na lipat sa dalawang location the fact na noong araw na ‘yun madaling-araw na sila nakauwi sa taping nila at kinahapunan, taping agad.
“Kaya siguro nag-decide ang Star Cinema at pati na rin ang ABS-CBN na huwag na muna ituloy gawin ang show namin na pelikula para sa MMFF dahil sa taping pa lang kulang na kami sa oras,” dagdag ni Sylvia.
Last Friday sa wedding scene nina Sir Chef at Maya ang daming nanood. ‘Yong regular viewers ng show at lalo na ang mga fanatics ni Richard Yap ay nag-break muna sa kanilang mga trabaho just to watch the super sweet eksena.
Kuwento ni Sylvia, that Saturday ay lumipad ang “bagong kasal” papuntang Japan para du’n kunan ang kanilang honeymoon.
Pero kahit nandu’n ang dalawa sa Land of the Rising Sun, tuloy pa rin ang trababaho ng cast today Monday at back to regular taping sila.
Ang bagong twist sa serye ay ang pagbabalik ng asawa ni Nanay Tessie (played by Sylvia) portrayed by actor Lito Pimentel.
By the way, Sylvia is nominated sa darating na PMPC Star Awards for Television come Sunday na gagawin sa AFP Theater sa Camp Aguinaldo for her role sa BCWMH as Best Supporting Actress.
That afternoon, in between merienda namin na home-cooked lean beef burger niya at Tacos, palaging nag-tsi-check si Ibyang sa kalagayan ng anak niya na inoperahan than morning.
ANO BANG reputasyon meron ang dalagitang si Bea Binene?
The girl who celebrated her 16th birthday recently at a posh hotel in Ortigas ay may kabulastugan na ginawa na naman that for me is not a positive behavior para tularan ng kanyang mga fans na halos kasing-edad niya rin or shall I say mas bata sa kanya.
Si Bea ‘yong minsang na-link sa isang disc jockey named Papa Dan na sinasabing ka-live-in (or nakikitira sa bahay nila) na naglikha ng hindi magandang impresyon para sa kanya which I think, sa murang edad niya, kung anu-anong intriga at tsismis na hindi dapat sa isang 16-year old na masangkot.
‘Yong isyu nila ni Papa Dan ay way far in my wildest dream na ang isang sweet little girl ay matsismis nang ganu’n.
Dahil sa kaliwa’t kanang questionable issues against Bea, aminin man niya o hindi or even her Mom na super protective sa kanya ay hindi ito nakatulong sa kanyang career.
At 16 (the issues came out when she was 15) ay hindi tamang values o impression para idolohin ng mga high school girls (or even my niece) dahil very negative.
Kaya siguro biglang sumemplang ang career niya sa TV station na katabi ng MRT Station sa EDSA, na during her reign walang kasing edad niya na artista ang makapasok sa estado niya dahil all out ang support ng istasyon sa kanya.
But with the negative impression ng mga mother ng mga fans niya (same as her age) they don’t want their little daughters to be like Bea.
I myself reprimanded my niece na mas bata kaysa kay Bea na tigilan na ang paghanga sa idol niya because of the bad image at ang showbiz reputation niya na hindi ako sang-ayon.
Tama ba ang balit namin na nagkabalikan na rin sila ni Jake Vargas at the expense of newcomer Ken Chan naka-loveteam niya?
Reyted K
By RK VillaCorta