SA THURSDAY, vacay mode ang aktres na si Sylvia Sanchez after working in 2 teleseryes straight at naisingit pa ang isang Cinema One Originals entry.
Yes, off to Japan si Ibyang (tawag namin sa aktres) with hubby Papa Art and their bunso Xavi for a totoong bakasyon dahil kung titingnan mo ang work load ng aktres, from the teleseryeng The Greatest Love to Hanggang Saan na siningitan pa ng indie film na Nay ay laspag ang katawan, utak at emosyon ni Ibyang.
“Mahirap ang teleserye na aside from the fact na five to six times a week ka nagte-taping, pati emosyon mo drained din. Kaya pahinga muna ako sa teleserye,” kuwento niya. Almost a week siya sa Japan magpapahinga, magsa-shopping at kakain ng “unagi” (eel) na minsan ko na rin natikman with my friend Manny Valera nang mag-treat siya sa akin sa isang Japanese resto sa Morato.
Sa pag-alis niya, hindi makakasama ang mga anak niya (except for Xavi). Arjo is loaded with work and doing a movie. Si Ria naman abala sa taping at si Gela naman ay may school commitment. Sa rest period ni Ibyang, gagawin niya lahat ng gusto niya. Matulog, kumain at matulog.
“After this (stress at pagiging haggard), babawi ako by the last quarter para ready na ulit ako. Mahirap kasi na sa two consecutive teleserye ko na ako ang bida, laspag ang utak at emosyon ko. Yong sa Greatest Love napagood ako dahil araw-araw umiiyak ako at heavy ang eksena. Sa Hanggang Saan naman, kombinasyon ng emosyon at pisikal requirements ang hanap ng direktor ko sa akin,” paglalahad pa ng aktres.
Abangan si Sylvia Sanchez sa kanyang pagbabalik sa pag-arte dahil ang alam ko ay may gagawin siya na project with no less than Erik Matti as her director. Exciting ito!
Reyted K
By RK Villacorta