MAPAPA-PUT**NG INA ka sa eksena nina John Lloyd Cruz at Sylvia Sanchez sa pelikulang The Trial.
Eksena ‘yon na sinasaktan ng aktres ang aktor na for a first time, tahimik ang mga tao sa loob ng sinehan (Gateway sa Cubao) habang ninanamnam ang isa sa mga highlight sa pelikula, lalo na ng mag-ina.
Napanganga ako sa eksena. Tuhog pala ‘yun na ilang take din na halos sa maghapong shooting, ‘yun lang ang eksena na kinunan ni Direk Chito Roño habang lutang din ang utak ni Sylvia ng mga oras na ‘yun dahil wala pa siyang tulog galing ng Laguna para naman sa taping ng Be Careful With My Heart.
Akala ko noong una, isa lang itong acting-aktingan na piyesa para kay Lloydie, lalo pa’t sanay naman ako at aminado ako na magaling naman talaga ang aktor. Si Sylvia, aminado ako na magaling ang aktres, pero ito marahil ang role niya na mas hinangaan ko siya.
Malamang, sa next year’s award season, unfair kung hindi mano-nominate si Ibyang sa role niya na kung susuriin mo, lead role ang papel niya lalo pa’t ang kuwento ay tungkol sa relasyon ng mag-ina na ang anak ay inaakusahan ng rape.
Nakatutuwa dahil after the premiere night last Tuesday evening sa SM Megamall, binati ang aktres nina Direk Chito at Olivia Lamazan. Maging ang aktor na si Philip Salvador, tinawagan si Ibyang para batiin.
Sa Linggo, may jamming sina Ibyang at Lloydie at balita ko, ipagluluto ng aktres (she’s a professional chef) ang aktor na mas lalong naging close ang dalawa nang magkasama sila sa The Trial.
Sa December aalis si Ibyang puntang Amerika para sa kasal ng kanyang “anak” na si Aiza Sueguerra kay Liza Diño.
After The Trial, abangan ang eksena ng mag-inang Sylvia at Arjo Atayde sa Pure Love na magtatapos na rin sa November.
Gusto ni Ibyang na after her commitments, pahinga muna siya at mag-relax. Alam ko sa Pasko, sa Dubai sila ng kanyang pamilya na roon magse-celebrate ng Christmas.
Reyted K
By RK VillaCorta