LAST MONDAY morning, imbis magtrabaho at asikasuhin ang dapat asikasuhin sa unang araw ng linggo, inabangan ko ang pilot telecast ng bagong serye ng Kapamilya Network na Ningning na pinagbibidahan ng batang si Jana Agoncillo, at nina Ketchup Eusebio, Vandolph, Noni Buencamino, Beauty Gonzales, at Sylvia Sanchez na gumaganap bilang si Lola Mamay ni Ningning.
Sa unang sultada, ipinakita na si Ningning. Mabilis ang phasing. Hindi na ibinitin ang manood at ipinakita na ang premise kung ano ang buhay ng mga karakter sa isang komunidad ng mga mangingisda.Sa totoo lang, interesting ang bayan ng San Vicente, Palawan na ginawang lokasyon ng bagong teleserye na pamalit sa OMG ni Janella Salvador.
In fairness magagaling ang mga artista na kasahog sa serye. Si Ketchup, magaling palang umarte at gayon din si Vandolph, si Noni, at si Sylvia na alam naman natin na mahusay naman talaga sa bawat karakter na nilalabasan niya mapa-pelikula man o telebisyon. Ang huling pelikula ni Ibyang (tawag namin kay Sylvia) ay ang The Trial, kung saan she plays the role of John Lloyd Cruz’ lesbian mother. Sa telebisyon naman, ang huli niya ay ang Be Careful With My Heart na bida noon sina Jodi Sta. Maria at Richard Yap, bukod sa panaka-nakang paglabas sa mga drama anthonlogy ng Kapamilya Network.
Si Ibyang as Nanay Teresita sa BCWMH ay siya naman ngayon si Mamay Pacita ni Ningning sa bagong kuwentong pampamilya na mapapanood bago mag-It’s Showtime na pang-umaga ng Kapamilya Network. Unang araw pa lang naman. Unang episode pa lang, na ayon sa kuwento ni Ibyang sa amin, dapat daw naming abangan ang mga susunod na mga episodes at kaganapan sa serye lalo pa’t ang bida na si Jana ay magaling at may promise to be the next “best actress” sa hanay ng mga kabataang babaeng artista ngayon ng istasyon.
Congrats sa cast!
Reyted K
By RK VillaCorta