TALBOG ANG inang si Sylvia Sanchez sa first television exposure ng anak nila ni Papa Art Atayde na si Ria Atayde.
Yes, yesterday unang salang ni Ria bilang isang artista sa bagong seryeng pang-umaga na Ningning, kung saan Sylvia plays “Mamay”, ang ang lola ni Maningning aka Ningnng sa serye.
Ang ganda ng rehistro ni Ria sa telebisyon at sa unang eksena niya kung saan sa pagbaba niya ng kotse na inihatid siya ng “boyfie” na si Jacob Benedicto, nagulat kami sa lakas ng presence niya.
Short performance lang ang eksena ni Ria sa episode yesterday, kung saan habang naglalakad siya patungong principal’s office sa public elementary school na pagtuturuan niya, kita mo na ang brilyo niya.
Bukod sa maganda, maamo ang mukha (na pang-bida); bukod sa maganda ang timbre ng boses niya. Pang-bida si Ria in the next few years na puwedeng ihanay sa mga tulad nina Bea Alonzo at ang mga kaliga nito.
Biniro ko nga si Ibyang (Sylvia) na puwede na siyang mag-retire dahil nalalapit na, ang anak naman niya ang raratsada tulad ng panganay niya na si Arjo Atayde who have proven na isa sa mga magagaling nating mga artista sa liga ng mga baguhang aktor natin na malapit na rin mapapanood with Coco Martin in Ang Probinsiyano.
Si Ria, malakas ang presence niya sa unang sultada niya sa morning serye ng Ningning where she plays the role of Titser Hope na magiging kaibigan ni Ningning.
Aral sa Poveda from kinder to high school at nagtapos ng LiaCom sa DLSU at aktibo sa student council nila, unang pangarap ni Ria ay maging isang broadcast journalist at magtrabaho sa CNN. Gusto niyang maging isang dekalibreng broadcast journalist tulad ng mga idol niya na napapanood lang niya sa mga international news program sa cable.
Mensahe ni Sylvia sa anak sa FB: “Congratulations anak!! Sobrang proud kami ng daddy mo habang pinapanood ka namin!! Nakamit mo na rin ang matagal mo nang pinapangarap. Pag-igihan mong mabuti ang bagong landas na pinasok mo, mahalin mong trabaho mo, pakabait ka sa lahat ng taong makakasalamuha at makakasama mo, wag mang-apak ng kapwa, pag-aralang mabuti ang bawat role na ipagkakatiwala syo, maging professional at higit sa lahat wag maging pasaway sa set!! Yahooooo!! Kakaproud lang nak!! Goodluck Maria Sophia Atayde! We love you, Potpot!”
Basta Ria, always remember nandito lang si Tito Roel mo to support and defend you tulad ng pagpapamahal ko rin kay Mommy mo at Kuya Arjo. ‘Yun nga lang, tanggapin mo na loka-loka ako at iba ang timpla ng iniinom kong kape! Hehehe…
Reyted K
By RK VillaCorta