Happy to learn na halos sabay-sabay kung bumuhos ang suwerte at magagandang balita sa kaibigang Sylvia Sanchez.
Kasi ba naman, matapos ang bonggang exposure ng bunso nila ni Papa Art Atayde na si Xavi Atayde as one of the models in the recent fashion show sa Trinoma Mall (2 Sundays ago), heto naman ang anak na si Ria Atayde (na unang nakilala as Titser Hope sa morning serye na Ningning), na recenty lang ay lumabas sa drama anthology na MMK at this time magpapamalas na naman ng kanyang galing sa drama si Ria via “Ipaglaban Mo” na napanonood every Saturday na nag-taping lang last weekend ; ang panganay na si Arjo Atayde ay consistent favorite kontrabida naman ng mga manonood ng “FPJ’s Ang Probinsiyano”. Ano pa nga ba ang hihilingin ni Ibyang?
Palaging ikinukuwento ni Ibyang sa amin na masaya na siya at nagpapasalamat sa magandang biyaya na bigay ng nasa Itaas sa kanya, sa mga anak niya at sa kanyang pamilya.
“Happy na ako. May asawa ako na mahal ako. May mga anak ako na mababait at marespeto at may paggalang sa kapwa nila, at dahan-dahan naman ay natutupad ang mga pangarap nila sa showbiz, wala na siguro akong maihihingi pa,” sabi niya noon sa amin.
Pero kung kailan pa nagkaedad, saka pa lang dumating ang long overdue na role at break para sa isang Sylvia Sanchez bilang isang aktres.
After 27 years of waiting ay dumating ang magandang break sa kanyang acting career. Ibyang started to try her luck in showbiz at the age of 17.
Isang probinsiyang high school student na na-discover ng dating manager niya sa isang mall sa Butuan (in Mindanao) ang simula ng paglalakbay ni Sylvia sa showbiz na kung saan-saan nasuong ang aktres sa mundo ng showbiz, pero after so many trials and attempts, heto’t dumating na rin ang pinakahihintay niya.
Sa bagong teleserye ng ABS-CBN Kapamilya Network na “The Greatest Love”, teaser pa lang na 30 seconder, may tusok na sa mga puso mga manoood.
Sa teaser, Sylvia plays mom to Dimples Romana, Aaron Villaflor, Matt Evans, and Andi Eigenmann na kung tama ang basa ko sa role ni Ibyang ay nasa early stage ng Alzheimer ang karakter niya as Gloria.
Tusok sa puso ng mga anak kapag narinig mo ang linyang binitawan niya sa teaser ng serye, “Kapag pagod na ba ako, p’wede ko bang sabihing ayoko na? Kapag nasasaktan ba ako, p’wede ko bang isigaw na tama na? Kung iiwan na ba ako ng mga anak ko, mapipigilan ko ba sila?”
Sayang, comatose (dahil sa stroke) pa rin ang manager niyang si Tita Angge. Malamang, kung oks na sana ang kalagayan ni Tita A., isa ito sa unang matutuwa sa kinahinatnan ng karir ni Ibyang. At last “star na star” na ang kaibigan namin.
Congratulations, Ibyang! And Goodluck sa unang serye na ikaw ang bida.
Reyted K
By RK VillaCorta