ISANG BABAE ANG dinala, isang gabi noong nakaraang lingo, sa tanggapan ni Marilao, Bulacan Chief of Police Supt. Cesar Tanagan dahil sa munting sigalot.
Sa loob ng opisina ni Kernel, akala ng kawawang babae ay nagpapakilala lamang ito sa kanya. Ang una pa nga niyang pagkarinig eh, akala niya tiyuhin niya si Col. Tanagan… dahil ang sabi sa kanya ay, “T’yo Paeng mo ako! Sige na… T’yo Paeng mo ako!
Pero nang marinig nang maayos ng kawawang babae ang salita ni Col. Tanagan ay kinilabutan na ito at umiyak. Dahil hindi pala ito nagpapakilalang T’yo Paeng mo ako. Kundi, ts*p*in mo ako!
Yakkkks, ang baboy mo naman Col. Tanagan!
Hindi mo na nga inirespeto ang iyong uniporme at pagkatao, minaltrato mo pa ang biktima! P’we!
Heto pa ang masakit parekoy. Nang ayaw ng biktima na T’yo Paeng si Kernel ay bigla nitong inilabas ang kanyang baril!
Susmaryosep ka Kernel, double barrel ka pa pala!!!
Hayun, parekoy, walang nagawa ang pobreng biktima kundi, ang… T’yo Paeng ng walang humpay si Kernel!!!
Kaya lang, kinabukasan ay katakut-takot naman na asunto ang isinampa laban kay Col. Cesar Tanagan alyas “T’yo Paeng”.
At naniniwala tayo, parekoy, na sa asuntong ‘yan matatapos ang career at pagkatao nitong si T’yo Paeng!
Hak, hak, hak…. Ang baboy mo T’yo Paeng! P’we!!!
MISTULANG BINGI AT walang pakialam ang Public Attorneys Office o PAO sa kasalukuyang nagaganap sa barkong Princess of the Stars.
Ang barkong ito, parekoy, ang kumitil sa napakaraming buhay nang lumubog ito noong 2008 sa karagatan ng Romblon habang may kargang “Indosulfan”.
Ang nasabing barko, parekoy, ay kasalukuyang ini-scrap sa Navotas City, sa yarda ni Boy Aquario.
Ayon sa ating “tawiwit”, noong isang araw ay isang kalansay ang kanilang nakuha sa nasabing barko habang sila ay nagsasagawa ng pag-i-scrap sa Princess of the Stars. Agad umanong ipinasako ito ni Mr. Ong at ipinatabi.
Ang hindi malaman ng ating “tawiwit”, kung nasaan na ngayon ang nabanggit na kalansay.
Ang akala natin noong una ay kaisa natin ang mga taga-PAO sa paghingi ng katarungan sa mga nabiktima sa nasabing barko.
Mali ba ako? Maling-maling ba ako, parekoy?!
MAKINIG SA AKING programang “ALARMA Kinse Trenta”, Lunes-Biyernes, 6-7 am, sa DZME 1530 kHz, at may “live stream” sa www.dzme1530.com. E-mail: [email protected]; call or text 09321688734.
Target
ni June Briones
[email protected]
09152121303