Tag-init at Tag-lamig!

Good day mga Kababayan, kumusta na kayo?

ALAM BA ninyo na ang init o lamig ng panahon ay nakakaapekto sa pangkalahatang disposisyon ng isang tao? To simplify… marami research ang nakapagsabi na ang ulat ng panahon ay sadyang nakaka-impluwensiya sa pang-araw araw na damdamin at pananaw ng tao.

Ang tawag sa karamdaman na ito ay Seasonal Affective Disorder o (SAD). Ang simpleng paliwanag sa karamdaman ng SAD ay kalungkutan o depression na dala ng paghaba ng gabi/kadiliman at paglamig ng panahon lalo na sa tag-lamig. May ibang pagsusuri namang nagsasabi na ang tag-init ay nakaka-apekto sa pag-init ng ulo at kakulangan ng pasensiya ng bawat isa. Ayon pa sa kanila, pangkaraniwang dumadapo ang SAD sa kababaihan kaysa sa kalalakihan.

Datapwat tuloy-tuloy pa rin ang pagsusuri sa karamdaman na ito, madaling makahalata na ang init o lamig ay nakaka-impluwnesiya sa ating damdamin at disposisyon sa pakikisalamuha sa ibang tao – sa trabaho man o sa pamilya…

Ilang punto lamang para makagaan ng damdamin sa panahon ng tag-init at tag-lamig:

1. Siguraduhin ang kalusugan ng kaisipan – ito ay panlaban sa ating exposure sa tindi ng panahon (init o lamig). Kapag tayo ay may kapayapaan at tamang ugali/disposisyon maaagapan natin ang init ng ating ulo bago pa ito lumala.

2. Siguraduhin ang kalusugan ng katawan – malaking pamantayan ng mabuting disposisyon ang ating pangangatawan. Ang basic blood pressure, cholesterol level, blood sugar level atbp. – Tama ba at balance ang personal na diet? Sapat ba ang pahinga o tulog na nakukuha?

3. Siguraduhin ang kalusugan ng inyong kalooban – huwag gumawa ng kahit anong makakabigat sa inyong konsensiya. Mahalaga na alam natin na naisasabuhay natin ang lahat ng ating pinahahalagahan (values) sa buhay. Oras na salungat ang ating salita, kilos at desisyon sa mga prioridad at values – expect niyo na susunod na ang bigat ng inyong kalooban at konsensiya – stress ang abot ninyo at kalaunan, di malayo na magkasakit.

Nais naming patuloy kayong tulungan! Anu-ano pa ang mga gusto ninyong matutunan mula sa amin?

 

I-like si Coach Pia Acevedo sa Facebook at maaari niyo kaming i-message para humingi ng gabay sa pagpapabuti ng buhay.

 

Si Coach Pia Acevedo ay isang kilalang Performance Management Expert, Life Coach at manunulat ng sikat na librong Born To Be A Hero. Siya rin ay CEO ng The OneCORE- isang organisasyong nakatuon sa pagtulong sa mga tao kung paano gumawa ng mainam na desisyon sa buhay.

Pinoy Ekspert
by Coach Pia

Previous articleKitkat Favia, na-enjoy ang panonood ng Once A Princess
Next articleWanted President of the Philippines!

No posts to display