GOT SPEECH DEFECT lalo sa pagbigkas ng mga letrang P at F? Kung meron, this will surely get you into trouble:
Magkasintunog (or homonymous) ang mga pangalang Pooh at Mr. Fu, today’s in-demand celebrities na hindi ikinaila ang kanilang kasarian: being gay that they are. Minsan nang nagkaroon ng isyu sa dalawang ito, but first, a bit of history.
Dating taga-RPN 9 si Mr. Fu (Jeffrey Espiritu in real life), hawak niya ang programang Mr. Follow-Up, a sort of an investigative show, bunga na rin ng kanyang ilusyon na maging premyadong police reporter. Later on, mas nagkaroon ng instant recall ang abbreviated “follow-up” na naging Fu, hence, ipinanganak ang Mr. Fu.
One time, napadpad si Mr. Fu sa ABS-CBN. Nagkataong nag-krus ang kanilang landas ni Pooh na isa nang kinikilalang magaling na komedyante sa hallway ng istasyon. Fan mentality got the better of Mr. Fu, nilapitan niya si Pooh at nagpakilala. “Ah, ikaw pala ‘yon,” sey ni Pooh, “bakit ginagaya mo ‘ko?” Banat ni Pooh na tila may sahog nang sarcasm.
Mapagkumbaba namang idinepensa ni Mr. Fu ang sarili, siya si Fu at si Pooh naman ang kausap. “Ah, basta, ganu’n din ‘yon!” Linya ni Pooh na tila umaakyat na raw sa mas mataas na level ng pagiging sarcastic.
To cut the story short, minasama raw ni Pooh ang paggamit ni Mr. Fu ng naturang alias. In fairness naman daw to Pooh, hindi man direktang nag-sorry siya kay Mr. Fu ay inamin niya ang kanyang pagiging epal.
I would sound biased sa pagtatanggol ko kay Mr. Fu, isa kasi siya sa tatlong poste, ‘ika nga, ng bagong programa ng QTV 11, ang Tweetbiz tuwing alas-siyete ng gabi mula Lunes hanggang Biyernes. Ito po ang programang ka-poste rin niya sina Tim Yap at Shivaker, kung saan nagsisilbing paparazzi ang inyong lingkod along with Gorgy Rula, Sebastian Danze, Suzuki and Justine Ferrer of Survivor Philippines Palau fame.
Pooh and Mr. Fu, what’s in a name? Pareho naman silang magaling. Sa mundong ito, ang mahalaga: who stands to last the longest? And I don’t mean Pooh’s and Mr. Fu’s private parts, ‘no!
PUWEDENG MAG-GUEST ANG lahat ng GMA Artists sa Starstruck V maliban sa isang sikat na mang-aawit/ kompositor/ host/ comedian na ito.
And why? Diumano, masama ang loob ng personalidad na ito dahil hindi nakapasa sa auditions ang kanyang “manok.” Hindi maliwanag kung ano ang kaugnayan ng actor na ito sa kanyang bet, either by consanguinity or by affinity, pero vocal siya sa pagsasabing never siyang magpapaunlak ng guesting sa naturang artista search.
Hindi malayo ang kanyang kaso sa isa pa ring dismayadong TV reporter ng GMA. He, too, had fielded a Statstruck hopeful only to miss the chance of making it to the Final 14. Buo rin ang kanyang desisyon: hinding-hindi niya iko-cover para sa kanyang showbiz segment ang anumang kaganapan sa Starstruck V.
A case of sourgraping?
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III