Nawindang ang mga miron nang biglang bumulaga ang isang solon sa session hall at excited na humarap sa media pips para iulat ang resulta ng lakad niya sa ibang bansa. Hindi tuloy mawari ng mga utaw kung tatakbo o haharap sa kanya lalo pa’t alam
ng mga ito na hindi siya nag-self-quarantine gaya ng inaasahan mula sa mga public official dahil isa itong mahigpit na polisiya ng gobyerno sa panahon ng Influenza A(H1N1).
Ayon sa kuwento ng ating bubwit na close kay chikadorang makulit, aligaga raw ang mga utaw sa Upper Chamber of Philippine Congress. Feeling daw kasi ng mga ito, parang ipinagwalang-bahala ng mambabatas ang isang proseso na makatutulong upang hindi kumalat ang nakahahawang sakit na iyon.
Ang matindi kasi, ilang oras pa lang matapos lumanding ang eroplanong sinasakyan niya, fly na agad siya sa Senado sa halip na dumiretso muna sa bahay at mag-self-quarantine doon ng ilang araw. Nakipagtsikihan na raw agad ang solon sa mga media bros and sisses. Talaga raw tuwang-tuwa siya na ibalita sa mga utaw kung kung ano ang nangyari sa lakad niya kasama ang isang sikat na personalidad sa buong mundo.
Balita na irita.com ang maraming empleyado dahil parang hindi raw updated ang mambabatas sa naganap sa Lower Chamber kung saan panic mode dahil sa mga kaso ng H1N1.
Dahil dito, hindi tuloy naiwasan ng mga miron ang magpukol ng isang haka-haka. Sa panahon daw na nagpapasikatan ang mga presidentiable, mahalaga raw ang bawat minuto para ibida ang sarili. Oo naman, alam naman ng marami ang gimik na ‘yan pero kung kaligtasan at kulusugan naman ng publiko ang nakasalalay, ibang usapan na ‘yon.