Sa sobrang tindi ng ambisyong maging Senadora, kahit ang pag-a-usherette sa Kamara, kinakarir na niya.
Sa paglalagalag ng ating Chikadora, napag-alaman nitong isa palang Kongresista ang ‘tila on the go na ang election machinery matapos i-announce na tatakbo siya sa pagka-senador ngayong 2010.
Ang unang moda niya, hindi na siya maawat sa pagpapamudmod ng press releases sa media. Manawa-nawa na nga ang mediamen dahil halos wala na itong ginawa kundi ang maglabas ng press releases na naglalaman ng kanyang komento sa kung anik-anik na isyu sa bansa ngayon.
Dagdag pa ni Chikadora, napapadalas din daw ang kanyang rampa sa media center ng Kamara. Kung saan feel na feel niya ang pakikipag-kiskisang siko niya sa mga taong maaring maging susi ng super exposure na kinakailangan niya.
Pero kinikilabutan na ang mga taga-media sa pangangarir niya. Dahil umaabot na raw ito sa pagpapadala ng meryenda at maging noong birthday niya, super-celebrate siya with the media. Dahil obvious namang nanliligaw siya for free publicity kung araw-araw siyang magpapakain at magse-celebrate ng birthday, kung minsan, eh, nagpapatawag ito ng press con para maging laman ng diyaryo, radyo at tv ang pangalan niya.
Pero ito ang matindi sa lahat ng matindi, sa sobrang gusto niyang bumango ang namesung niya, maging ang pag-a-usherette sa Kamara, pinasok na niya.
Para raw itong Matriarch of the House na naka-puwesto sa labas ng Plenaryo habang wini-welcome ang mga bisita ng Kongreso. Wala namang masamang i-welcome sila, ang kuwistyunable lang, nagsisimula na ang sesyon, nasa labas pa rin siya!
Wow!! May ganun?! Ikaw na ang magaling rumampa na kung minsan, eh, kung minsan ay nag-aambisyon ring maging makata.