Hagad(ness) of the Philippines, unite! You have nothing to lose but…nothing! ‘Yan ang hirit ng mga miron sa Kamara matapos marinig ang latest tsika tungkol sa bida nating kongresista. Ang churva, naudlot yata ang pangarap ng ating bida ang maging isang magaling na karerista.
Sa tsismis ng ating Chikadora, minsan daw, eh, binabaybay ng ating bidang solon ang kahabaan ng kalsada na sakop ng kanyang distrito. Irita to the max na raw ang mga utaw dahil sa bagal ng daloy ng trapiko.
Sa gitna ng pagkabagot at pagkainis, bilang nabulabog ang madla sa makabasag-eardrums na tunog ng ng kontrobersiyal na “wangwang”.
Parang siga ng kalsada na nanggaganggang ng mga walang kalaban-labang sibilyan, hinawi ng isang convoy ang mga sasakyan. Hindi naman daw ‘yun Red Sea at lalong hindi naman siya si Moses, pero sa asta ng solo, tinalo pa niya ang sikat na propeta.
Asar na asar ang mga sibilyan dahil sa nasaksihang kawalang-katarungan sa Philippine Island.
Paano ba naman, si Kong na inaasahang tutupad sa mga traffic rules, pero to the dismay of all people involved, siya pa ang nangunang bumali sa mga ito.
Akala siguro niya, makakalusot siya, eh, hello, ‘yung plaka naman ng sasakyan niya, eh, maikokonek sa kanya.
Hmmm… mahilig ka na ngang tumabi sa chairman ‘pag may hearing, pati ba naman sa kalsada nagpapapansin ka pa rin?! Naman!