Kung gaano katindi ang pagnanasa ng isang public official na maging President of the Philippine Republic, ganun rin yata katindi ang kanyang fighting spirit at paniniwalang siya ang magwawagi sa presidential race.
Ito ang naobserbahan ng ating Chikadorang Lagalag matapos marinig ang tsismis tungkol sa isang “presidentiable” o “aspiring presidentiable.” May umiikot kasing tsismis sa huntahan ng mga miron na ipinagkakalat daw ni public official ang kanyang mga pagtulong sa iba’t ibang charitable institutions.
Ang hirit ng mga miron, commendable naman ang kanyang ginawa dahil nga binigyan n’ya ng tulong-pinansiyal ang mga institusyong nangangailangan naman talaga ng suporta.
Ang hindi lang ma-gets ng mga utaw sa paligid n’ya, bakit kailangang ipagyabang at idetalye pa ang ginawa niyang pagtulong. Ikinukuwento pa kasi nito kung magkano ang salaping kanyang ibinigay, kung kailan ito ibinigay at kung saan nanggaling ang tulong.
Malaya naman siyang gawin ito. Pero hindi maiwasan ng mga nakaririnig sa kanyang kuwento na pagdudahan ang sinseridad nito sa pagtulong dahil na rin alam ng publiko na very vocal siya sa kanyang pagnanais na maging pangulo. Kahit ayaw pag-isipan ng masama, nagduruda na raw ang ibang utaw na ginawa niya ito para nga naman gumanda ang imahe nito sa publiko.
Ito pa ang matinding revelation, sa tindi ng fighting spirit nitong manalo sa eleksiyong hindi pa naman sigurado kung automated, ayun, maging sa programa raw nito sa radyo, eh, pangangampanya ang moda sa halip na ilitanya ang proyekto ng kaniyang ahensiya.
Hay ‘aspiring presidentiable’ sana lang manguna ka sa survey ‘no para hindi naman masayang ang fighting spirit mo. O kung gusto mo, sumali ka na lang ulit sa isang contest tutal bonggang-bongga naman ang fighting spirit mo.