Arriba! Arriba! Wazzup there Fellow Chikadora?!!
Sa latest tsika ng ating intrigerang chikadora, napag-alaman na marami na raw talent scout ang pumipila para pagkakitaan nila ang talent ng isa nating mambabatas.
Nito raw kasing mga nakaraang araw, madalas mapansin na may talent ito sa acting, at malaki ang potensiyal para maging award-winning actor sa pinilakang-tabing.
Sa chika ng mga bubwit na nagkalat sa pasilyo ng sinit (Senate), maugong raw ang bulung-bulungan na sa halip yata na tumakbo sa Highest Political Seat in the Republic, eh, mag-aartista na lang daw itong ating kinukulit.
Paliwanag ng mga miron, ilang beses na kasing namataan ng Philippine Republic ang ’tila pagbukal ng kanyang precious tears sa mga pagkakataong napapalibutan siya ng media – hindi siyempre mawawala ang photographers at cameramen.
Una kasing nakita ang makabagbag-damdamin n’yang pagcrylaloo nang sa isang controversial at momentous na event. Marami raw pala ang nagduda kaugnay ng sinseridad ng kanyang act of crying. Dahil may mga tao kasing TH (tamang-hinala) palagi, hayun, pinaghihinalaan daw ng mga ito nab aka acting lang ito ng ating legislator. Sa panahon kasi ngayon na papalapit na tayo ng papalapit sa eleksiyon, hindi na raw nakakagulat na kung anu-ano ang gimik ng mga aspiring presidentiables, para lang magmarka sa tao ang kanilang namesung.
Anyway on a highway dear parazzi pipol, mapapalampas na raw sana ang one incident na ito ng mga miron. Pero nang mapanood nila ulit ang bida nating legislator sa isang pagtitipon, hindi na raw nila kinaya nang muli na naman itong mag-drama na para bang may pinapakinggan siyang direktor.
Kasi naman, ang simple-simple lang ng sagot sa tanong, pero sa kung anong pagkakarambula ng mga talong, hayun, may I-cry na naman ang drama ng lolo n’yong balak yata talagang maging actor. May humirit pa ngang miron na hindi na raw nito kinaya ang pag-iyak at napamura na lang siya sabay sabi ng ‘watdapak!’
Hay buhay! Iba nga yata talaga ‘pag matindi ang ambisyon, pati ang pagda-drama ng impromptu on a national television, papatusin para lang masulit ang libreng coverage at makapagpa-impress sa Filipino People.
Sus, tingnan na lang natin kung papasok siya sa sarbey?! May clue na ganun?!