Wala namang mamaw at halimaw sa session hall pero itong tampok na mambabatas, daig pa ang batang takot sa multo dahil kahit anong pangungumbinsi sa kanya, hindi niya feel magpakita sa mga kapwa niya mambabatas.
Ang Q ng publiko, ano ba ang ikinatatakot niya?
Sa latest chika ng ating Parazzing Chikadora, pangunahing sangkap daw ngayon ng tsismisan ang isa medyo nagpapasikat na Legislator of the Philippine Islands.
Sa huntahan ng mga miron, balitang malaki raw ang ipinagbago ng ating legislator matapos magkasabit-sabit ang mga proyektong siya ang nag-isponsor.
Noong una raw kasi, eh, hindi naman mahilig magbulakbol o mag-iskul-bukol ang legislator. Madalas pa
nga raw na nasa front seat siya ‘pag may gagawin ang kanilang chamber. Subalit nang magkasabit-sabit ang diskarte ng legislator, napansin ng mapanuring mata ng mga miron na unti-unting nagbabago ang
ang kanyang work habits.
Nag-umpisa raw ito sa pasimpleng pagbubulakbol. Dadalo nga siya ng sesyon pero pasimple rin namang ieskapo at kakaway lang sa nag-aayos ng attendance para magpamarka ng “present.” Ang tsika pa nga, nagugulat na lang daw ang mga kasamahan niya dahil always present naman siya sa record pero hindi naman nakikita.
Ngayong umuusad na ang kinasasngkutang niyang problema, hayun, nagbago na nga raw siya nang husto. Sa halip kasi na sumimple lang sa pag-eskapo, eh, tinuluyan na niya ang hindi pagdahalo sa mga sesyon.
Hmmm… dear Legislator, ano’ng gimik naman ‘yan? Bakit naman mas inuuna mo pa ang pag-iikot kesa ang pagtugon sa ‘yong trabaho bilang senador? Baka lalong maasar sa ‘yo ang mga kapwa mo mamabatas, pitikin ka pa sa ilong!