Tago: Solon, parang may sariling radio program

Sobrang desperado na nga yata ng ating bidang mambabatas, kung kaya’t kahit ano ay kanyang gagawin para lamang maisalba ang ’tila nanganganib niyang karera. Kung susumahin daw kasi ang ‘airtime’ niya sa mga radio station, iisipin mong puwede na siyang magtayo ng sarili niyang radio program. Ang mas malala pa, ang appearance niya, eh, para sa depensa niya laban sa mga akusasyon at alegasyong kinakaharap niya.

Sa latest huntahan ng mga miron sa isang Chamber of the Philippine Congress, nasagap ni Chikadorang Mahadera ang panghihinayang ng mga mahadera ring miron sa datung na ginagasta ni Solon. Kasi ba naman, hindi ka naman pwedeng magdadakdak sa isang tv o radio ng libre ‘no! Kailangan mong magbayad ng ‘airtime’ na may kamahalan na depende pa rin sa level ng kasikatan ng programang ‘yung sasalangan.

Ang churva ng mga komentaristang mahilig magbigay ng unsolicited comments, ’tila yata walang konsepto ng krisis ang ating bida. Sa dami raw kasi ng naghihirap ngayon, nagagawa pa niyang magtapon ng pera para lang maisalba ang mukha niya mula sa mga eskandalong kinasasangkutan niya.  May K raw namang gumasta ang ating bida. Dahil the fact na mambabatas siya, ibig sabihin, eh, hindi naman isya Purita Valdez (poor). Pero ‘yun nga lang, duda ang mga miron, baka raw ang perang ginagamit niya, ay ang perang nasungkit niya mula sa mga kinukuwitisyong proyekto niya.

‘Yun na sabi nga ni Ola Chika! Kung ano ang kakandidatuhan niya, abangan sa May 2010, ‘yun ay kung hindi siya sasabit sa mga kasama niya ha.

Previous articleWin David vs. David tickets! *updated*
Next articleSpecial Feature: Manny Pacquiao, around town

No posts to display