Tagumpay ng mga DH sa Hong Kong, Naudlot

ANG KAPATID ko ay halos sampung taon nang DH sa Hong Kong. Noong isang taon ay natuwa ako nang ibalita niyang nanalo raw sila sa kaso tungkol sa pagi-ging permanent resident nila roon. Pero nitong mga nakaraang buwan ay may balita naman siya na nabaliktad na ang desisyon at talo na naman sila sa asunto. Ano po ba ang totoo?Jeremy ng Alaminos City

 

TOTOO NA ang naunang desisyon ng husgado ng Hong Kong ay mabigyan ng permanent resident status ang mga dayuhang nagtatrabaho roon nang hindi kukulangin sa pitong taon. Labis itong ikinatuwa ng mga kababayan nating nagtatrabao roon, lalo na ang domestic workers na nandu’n sa loob ng mahabang panahon.

Pero totoo rin na ang desisyong ito ay binaliktad ng three-member panel ng High Court at nawala na ang pribilehiyo na permanent status na igagawad sa mga OFW. Ikinatuwiran ng mga tutol sa pribilehiyo na ang paggagawad ng permanent status sa daan-libong mga DH doon ay magdadag-dag ng problema sa Hong Kong sa anyo ng congestion o pagsisiksikan, pagkakaroon ng pabigat sa mga social services tulad ng kalusugan at iba pa.

Ikinakatuwiran naman ng mga DH na ang pinakahuling desisyong ito ng hukuman ay discriminatory at nagtatangi ng tao ayon sa lahi o katayuan.

Balak ng mga abogado ng mga OFW na iapela ang desisyon sa pinakamataas na hukuman sa Hong Kong.

LIBRENG PAYO! I-TEXT N’YO AT SASAGUTIN KO! PM <space> saklolaw <space> ang inyong katanungan at i-send sa 2948 (for Globe, Smart and Sun users). E-mail: [email protected].   

Ayuda sa OFW
By Ome Candazo

Previous articleVice Ganda, bet na bet si Yves ng PBB Teens!
Next articleWala na naman kasing career Raymart Santiago at Claudine Barretto, ‘di na kailangang i-boykot!

No posts to display