‘DI KUMPLETO ang umaga kung ‘di naming maririnig ang malakas na tinig ni
Pedring sa aming subdivision sa Pasig City. Taho! Taho! Bili na kayo ng taho! Lagi ang sigaw niya bandang alas-11:00 ng umaga. Tag-araw man o tag-ulan.
Hudyat para maglabasan ang mga katulong, ang mga batang ‘di nag-eeskuwela, dala ang plastic cups at kanilang pambayad. At andar ang munting negosyo ni Pedring.
Si Pedring, 51, taga-Bacolod ay may asawa at anim na anak. Naninirahan sila sa isang maliit na entresuwelo sa tabi ng lumang palengke ng Pasig City. May pagka-payat at sunog ang mukha ng init dahil sa paglalako araw-araw. Kumikita siya ng mahigit P150 araw-araw. Ang kita ay tumataas ‘pag walang eskwela.
Ngunit nakaraang taon, may nangyaring kalungkot-lungkot kay Pedring. Siya ay nakulong sa Rizal Provincial Jail dahil napaghinalaang isang drug pusher. Ang mga kasama ko sa subdivision ay ‘di nag-atubiling tulungan siya. Kaming lahat ay tumestigo na kasinungalingan ang mga bintang sa kanya. Dahil talaga namang walang ebidensya, napawalang-sala siya pagkaraan ng anim na buwang pagkapiit.
Nagpiyesta ang subdivision sa tuwa nang marinig muli namin ang kanyang malakas na tinig. Taho! Taho! Bili na kayo ng taho! Naglundagan at sumayaw sa galak ang mga bata at katulong. Pati ako’y nakisali na rin. Daig pa ang isang returning hero ni Pedring.
Ano’ng big deal kay Pedring? Wala. Isa lang siyang simpleng nilikha, kumakayod halos araw at gabi, nagsusumikap para buhayin ang kanyang pamilya. Ngunit sa amin ding simpleng puso ay may pitak siya. Halimbawa siya ng isang nagpupunyaging mahirap na nilikha. Nakikipaglaban sa buhay. ‘Di umaatras sa pagsubok.
‘Tay muna, nariyan na si Pedring. Bibili ako sa kanya ng taho. Taho! Taho!
SAMUT-SAMOT
TINATANTSA NA dalawang dekada mula ngayon, masasapawan ng China ang U.S. bilang economic at world power. Sa technology ay malayo pa, subalit doon din patungo ang China. Kahit saang bansa ka pumunta, lahat ng produkto ay made in China. Kamakailan, binandera na rin ng bansa ang kani-lang kauna-unahang nuclear warship. Sa susunod na dalawang dekada, lolobo pa ang populasyon ng China sa mahigit 3 bilyon. Mantakin natin ito. Makabubuti na ang mga anak natin ay mag-aral ng Mandarin. The next power language.
SA GANYANG dekada, nasan ang ating bayan? No reason to be optimistic. May konting pag-angat ngunit saling-pusa pa tayo sa progreso ng Asia-Pacific. ‘Di pa rin mawawala ang tricyle, jeep at smoke-belching buses sa lansangan. Nagkalat pa rin ang may kapansanang pulubing nagpapalimos. Ang ating konsuwelo, exclusive owner na tayo ng tinaguriang waste basket of Asia.
ISANG HOMILY ng parish priest ng Christ the King Church ang nagpaantig sa aking puso. Where there is goodness, God is there. Do not despair. Light will always overcome darkness. Nakakabaliw ang i-ngay at kaguluhan sa mundo. Para bang God is not in control. But He is. Mysterious are His ways. You cannot fathom His thoughts. Sa order ng kalikasan, makikita natin ang order ng Diyos. He is in control. Let us not despair.
ANO ANG kinabukasan ng North Korea sa ilalim ng kanyang bagong lider? Batang-bata at inexper-ienced. Sa isang secret documentary film, ipinakita how impoverished and oppressed the North Koreans are under the dictatorship. Poor quality of life. Hunger and diseases everywhere. Kailangang magising sa katotohanan ang mga North Koreans. They cannot serve one family as master forever. Subalit sa pagkadisiplinado, wala na ‘atang tatalo sa kanila. Pinakita ito nu’ng ilibing kamakailan ang nasirang leader Kim Jung-Il. Kung makakamana tayo kahit isang bahid ng kanilang pagkadisiplina, maaaring mamayagpag tayo sa progreso.
MARAMI PA bang fans ang PBA? Matagal na akong humintong manood ng PBA games. Nag-deteriorate ang quality ng laro simula nang mapasukan ng Fil-Am players. Champion pa rin ang quality of playing nina Carlos Loyzaga, Carlos Badion, at Larry Mumar, our all-time basketball greats. Dati-rati, PBA players ay hinahabol ng mga fans. Ngayon kung sinu-sino na lang pinupulot na maglalaro sa tournament. At ang PBA games ay tila slow motion movie. Nakakaantok.
NAPABALITANG SI DOTC Sec. Mar Roxas ay inaa-sinta ang House Speakership sa 2013 kaya tatakbo na lang siyang congressman sa Capiz. Kung totoo, ano ang mangyayari kay Speaker Belmonte. Split na siya kay Pangulong P-Noy o tatakbong senador? Abangan.
VERY ALARMING. Two Shabu factories have been discovered in Ayala-Alabang Village. Ganito ang modus operandi ng mga sindikato. Ang mga villages ay ‘di magsususpetsa ng kanilang krimen. Other villages should take heed. Lumalala nang todo ang drug addiction problem natin. At helpless at hopeless ang mga awtoridad. Multiplier effects ng drug trafficking are terrifying. All over the world, the problem is pervasive. Columbia is the hotbed of worldwide drug trafficking. Dapat pagtuunan ng pansin ang suliranin.
BIGLANG NAGING non-news si dating Pangulong GMA. Wala nang masyadong balita sa kanya pagkatapos ng kanyang huling banat kay P-Noy tungkol sa pagsadsad ng ating ekonomiya. Talagang ganyan ang buhay. Parang gulong ng sorbetes.
PITIK-BULAG
By Ike C. Gutierrez