Narito ang ilan lamang sa mga sumbong na ipanadala sa pamamagitan ng aming text hotlines na 0908-87-TULFO at 0917-7-WANTED.
- Irereport ko lang po sana iyong principal ng Banaba Elementary School dahil nananakit siya ng mga estudyante. Natatakot na pong pumasok ang mga bata dahil sa kanya. Pakipaimbestigahan po siya sa DepEd para mapalitan na agad siya.
- Reklamo lang po namin ang isang kainan dito sa isang residential area sa Brgy. Moonwalk, Parañaque dahil sobrang ingay kahit dis-oras na ng gabi.
- Isa po akong concerned parent dito sa Pulung Santol Annex School sa Porac. Reklamo ko ang paniningil nila ng P1,350.00 para sa field trip. Kung hindi sasama ang bata ay bagsak daw sa finals.
- Irereport ko lang iyong mga rent-a-car na nakapila sa may arrival area sa airport dahil lahat ng trip nila ay overpriced at hindi nila sinusunod ang tariff rate nila. Halimbawa na lang po noong minsan, iyong biyaheng papuntang Makati P3,500.00 ang sinisingil nila. Kawawa naman po ang mga pasaherong nagiging biktima nila.
- Isusumbong po namin ang Rizal Elementary School sa Brgy. Rizal sa Makati City dahil hanggang ngayon ay wala pa ring mga libro na ini-issue sa mga estudyante. Malapit nang matapos ang school year ay wala pa rin silang ibinibigay.
- Itatanong lang po kung tama ang paniningil ng P100.00 ng barangay para mabigyan ng barangay clearance? Dito po ito sa Brgy. Gomez sa Lopez, Quezon.
- Tama po bang nagsasara nang maaga ang isang police station? Dito po kasi sa Sulat, Eastern Samar ay sarado na ang presinto ng 7:00 pm.
- Isa po akong concerned citizen na taga-San Lorenzo Ruiz 1, Dasmariñas, Cavite, reklamo ko lang po ang tungkol sa basketball court namin na hindi binubuksan. Sabi ni Kapitan, kapag kumuha ng permit ay bibigyan, bakit hindi pa rin po kami binibigyan hanggang ngayon ng permit? Saan po maglalaro ang mga anak namin? Sa kalsada? Sa ibang barangay naman po ay open ang court nila sa lahat ng residente ng kanilang barangay. Sana po maaksyunan.
Makinig at manood ng Wanted Sa Radyo 92.3 FM Radyo5 at Aksyon TV Channel 41, Lunes hanggang Biyernes, 2:00 – 4:00 pm. Ito ay naka-simulcast din sa 101.9 FM sa Cebu at Davao. Sa Cagayan de Oro ito ay kasabay na napakikinggan din sa 101.5 FM at sa 97.5 FM naman sa General Santos City. Samantalang sa Bacolod City naman ay sa 102.3 FM.
Ang inyong lingkod ay mapanonood din sa Aksyon Sa Tanghali sa TV5, Lunes hanggang Biyernes, 11:30 am-12:00 nn.
Mapapanood din ang inyong lingkod sa T3: Alliance sa TV5 tuwing Linggo, 1:30 pm.
Para sa inyong mga sumbong, mag-text sa 0908-878-8536 at 0917-792-6833.
Shooting Range
Raffy Tulfo