Talent manager Becky Aguila, takot buweltahan ng pinakulong na Budol-Budol Gang! – Ronnie Carrasco

IF PLANS DON’T miscarry, ngayong araw nakatakdang umalis ang kontrobersiyal na manager na si Becky Aguila, along with her family, patungong New York, four days before she says hello to her 51st year of earthly existence.

Ito ang orihinal na plano ni Becky until sumambulat na nga ang pambibiktima sa kanya ng mga hinihinalang miyembro ng Budol-Budol Gang, to which she lost a whopping P2.5 million last September. Ayon kay Becky, dekada singkuwenta pa pala mula nu’ng mag-operate ang naturang sindikato preying on wealthy victims na kanilang nararahuyo sa pamamagitan ng hipnotismo.

Bagama’t she was not on the frontline, natatakot si Becky para buhay ng kanyang pamilya—that includes her octogenarian mother, her retired colonel-husband at kambal na anak—dahil ang mismong nagpatimbog sa tatlo out of six members of the syndicate ay nakatatanggap na ng death threats.

Tulad ng lahat ng mga nabiktima na badenggoy ng malaking halaga almost equivalent to their lifetime savings, tanging hangad na lang ni Becky ay gumulong naman ang wheels of justice: such as the fiscals going after the rascals!

“Ron, hard-earned money naman kasi ‘yung mga pinakawalan namin, himutok ni Becky as if acting as the group’s spokesperson. Pero lie low muna ang manager sa takot na buweltahan siya ng mga salarin. Pray tell me, sila pa bang mga biktima ang dapat matakot? Will the next President of this country step in para mabago ang justice system?

MANNY PACQUIAO FOR President? Ito ang nakasulat sa mismong watawat natin makaraan ng matagumpay niyang “paniniris” kay Cotto. Ka-OA-an na po ito, hindi ito kasalanan ni Pacman kung nais man siyang iluklok ng kanyang mga tagasuporta to the highest posistion in the land.

For sure, ni sa hinagap ay hindi ambisyon ng Pambansang Kamao na ma-elevate bilang Pambansang Pinuno, solved na siya na masungkit ang congressional seat sa Saranggani, mga ini!

Enough of this mega hero worship to the max nang bonggang-bongga, alam din naman ni Manny ang kanyang kakayahan, if not limitasyon. Politics and boxing are like North and South Poles, makuntento na lang dapat si Pacman sa larangang ikinasikat niya dahil puwede naman siyang makatulong sa mga mamamayan ng GenSan without taking the political plunge!

Ayoko tuloy isiping “pinagbagsakan” ni Pacman ng phone si Arnold Clavio sa Unang Hirit nitong Lunes. Nu’ng una, game na game na sinasagot ni Manny ang mga tanong ni Igan hanggang sa dumako ang phone patch interview sa planong pagtakbo ng boksingero sa pulitika.

“Huwag na muna nating pag-usapan ‘yon,” pakiusap ni Manny kay Arnold na iginalang naman nito. Sunod na tanong, tungkol naman sa presensiya ng mga magulang ni Manny sa laban, naputol (o pinutol?) ang linya. Nawalan kaya ng signal? Or was it something that Manny refused to talk about?

Pulitika o Krista?

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

Previous articleStars Candid: Ang Sikreto sa Boses ni Laarni
Next articleParazzi Chikka: Krista Ranillo, bagong calendar girl ng Ginebra!

No posts to display