IBA ang ganda ni Ria Atayde.
Siya ang artistang anak ng aktes na si Sylvia Sanchez at younger sister ng aktor na si Arjo Atayde,
Iba si Ria pag nakita mo siya sa personal. Hindi mo iisipin na Pinay siya. Aakalain mo na modelo siya na nag-land sa isang beauty or fashion magazine sa ibang bansa ang kaharap mo.
Pero si Ria, Pinoy na Pinoy. 100% Pinay. Yun nga lang, marunong man siya managalog, aminado ito na nabubulol siya kung minsan pagdating sa mahahabang dialogues sa mga eksena niya sa mga teleserye at drama anthology na nilalabasan niya.
Pero as she goes along ay nasanay na rin siya at nagiging matalas na rin ang pagsasalita niya ng Filipino.
Aside from English na bihasa siya, she talks fluent Spanish na siguradong impluwensya ng Papito at Mamita niya na grandparents niya from her dad’s side.
Bilang isa sa mga baguhan sa liga ng mga Star Magic Actresses, masasabing for the past three years ay malayo-layo na rin ang nararating niya.
“I believe in patience. If not, I will not be in showbiz,” sabi during an exclusive blogcon for her last Wednesday evening to promote her exposure in the legal drama Ïpaglaban Mo this coming Saturday at 3:00pm right after It’s Showtime.
“I play a disgrasyada which is the title of the episode which was directed by Direk FM Reyes,” kuwento niya.
Si Direk FM ay nasa bucketlist ni Ria na happy siya dahil with her Ipaglaban Mo episode this Saturday, naranasan niya na mapasailalim sa galing ng direktor.
Sa two days taping experience niya with Direk FM, she plays the lead role as Gladys Laurena with Enzo Pineda, Cora Wadell and Julio Diaz in the cast.
When asked about her favorite movies: ”May Minamahal and Schindler’s List,” sabi ng dalaga na mas gusto mag-concentrate kanyang career kaysa mag-concentrate sa kanyang lovelife.
Reyted K
By RK Villacorta