PINOY MOVIE LOVERS are in for a treat this week. Kung noong Undas ay inabangan ninyo ang horror films na “The Ghost Bride” ni Kim Chiu at Spirit of the Glass 2 ni Cristine Reyes, ngayon naman ay sa love department tayo. Iwas muna sa kilig at romansa muna!
Nakakatuwa dahil this week ay sina Alessandra de Rossi at Barbie Forteza ang magtatapat sa box-office. Siguro nga ay hindi pa sanay ang moviegoers na ang dalawang dalaga ang bida sa isang mainstream movie. Mas napapanood kasi natin sila sa mga independent films.
Kung ia-analyze ninyo ng mabuti, si Alessandra de Rossi ang original na Independent Film Princess ng bansa. Una siyang napansin sa pelikulang Azucena ng Reyna Films at eventually ay naging active sa TV. Kung ang masa ay kilala si Alex (palayaw ni Alessandra) as one of the best villains on TV, ang mga mahilig naman sa panonood ng dekalidad na pelikula ay kilala siya for being brave sa pagportray ng offbeat roles sa independent films. Ilan sa mga titles na pinagbidahan niya ay ang Mga Munting Tinig, Barcelona, Sta. Nina, Sakaling Hindi Makarating at ang 2017 most successful Pinoy film na Kita Kita nila ni Empoy.
Special para kay Alessandra de Rossi ang pelikulang “12” dahil siya rin ang scriptwriter nito. If I am not mistaken, siya rin ang nag-arrange ng music at parang co-director na rin siya ni Dondon Santos dito. Based on the trailer, mukhang sa iisang location lang sila nag-shoot. Malaman ang kuwento dahil more on conversations ang mga eksena na surely ay relatable sa mga taong nakikipag-live in at nakakaramdam na ng discontentment sa relasyon. Marami rin positive feedback mula sa mga nakapanood ng advanced screening nito.
Sa mga kasabayan niya na “tweens” noon like Kathryn Bernardo, Nadine Lustre and Liza Soberano, si Barbie Forteza na siguro ang pinaka-best na pambato ng GMA-7. Ilang teleserye na rin sa hapon at primetime ang pinagbidahan niya na nag-click sa masa. Ang latest nga ay ang light kilig series na “Meant to Be”, where not only one or two but four guys are vying for her love and attention. Sa ending ay nakatuluyan ng kanyang karakter as Billie si Yuan, who is portrayed by Ken Chan. Ito siguro ang rason kung bakit agad-agad na inofferan ng Regal Multimedia ang tambalang KenBie ng kanilang first mainstream movie as a loveteam.
Like Alessandra, ang filmography ni Barbie Forteza ay may variation. Meron din siyang mga pelikulang mainstream, pero recognized siya sa mga independent films na ginawa niya like Mariquina, Laut at Tuos with Nora Aunor. She won awards sa mga pelikulang ito. She was brave to take on these roles when most of her contemporaries would rather stick to ‘safe’ roles.
That being said, tila Alessandra and Barbie have finally reached the audience they deserve. Ang wish namin ay sana, tangkilikin ng masa ang kanilang mga pelikula. Ito ay para ma-enganyo pa ang mga producers na bigyan sila ng lead roles sa mainstream films at hindi lang mga film festivals ang makaka-appreciate sa talent at ganda nila.
Showing na beginning today ang “12” ni Alessandra de Rossi with Ivan Padilla at “This Time I’ll Be Sweeter” ni Barbie Forteza with Ken Chan. Support!
Showbiz Blogster
by Mica Rodriguez
Pinoy Fans Club