Talented singer-composer Marion Aunor, ipo-produce ang album ni Leila Alcasid!

Marion Aunor

ISA SA MGA hinahangan kong baguhan sa showbiz na nasundan ko ang effort para ma-distinguish ng industriya ng musika ay no less than Marion Aunor.

 
Noong una, siya ang Norah Jones ng Pilipinas sa kanyang swabe, chill at cool renditions ng mga awiting cover at mga komposisyon na siya mismo ang sumulat at naglapat ng titik.
 
Yun nga lang, masyadong mataas ang lebel na ang nangyayari, hindi masydo abot ng masa na  target market ng Star Music para sa kanya.
 
Pero sa mga millennials  na singer-performer natin sa kasalukuyan, tila karamihan, kung hindi birit at love songs na ang iba ay ngangawa na lang na sasabayan ng tunog na EDM ang peg para masabi lang mga singers sila (na salamat sa magagaling na mga sound engineers at mga producers nila), sandamakmak ang mga nagla-launch ngayon ng mga music CD nila at singing career.
 
Sa kaso ni Marion, napatunayan niya that she’s different from the rest. She’s pure talent – from her writing and composing; musicality and her voice, gusto ko ang effort niya na lalo na niya ini-enhance ang talent na ‘yun.
 
Marion on keyboards jamming with fellow songwriters in Nashville

Habang isinusulat namin ang column item na ito, last night kagagaling lang niya ng Nashville in Tennessee (she was at the airport) on her way to Los Angeles, California where she attended an Advance Song Camp.

 
Ayon kay Marion: “Nashville was great. I expected it to be just full on country music, but the pop scene is starting to grow now there as well, which is exciting. The people are extremely kind and friendly. The jetlag was killing me but I wouldn’t trade the experience for anything,” kuwento ng dalaga who will be back in Manila on Friday, July 28.
 
Bongga ang line-up ng dinaluhan niyang kaganapan kung saan bahagi ang songwriter-publisher ni Taylor Swift na si Liz Rose. Naroon din si Jesse Frasure na singer, songwriter, publisher at record producer; Jamie Houston na nakapagsulata para kina  Mylie Cyrus, Carlos Santana, Sheryl Crow, Steven Tyler, Macy Gray and Donna Summer at marami pang iba.
 
Bukod sa continuing education at exposure ni Marion sa larangan ng musika sa  international music scene sa pagbabalik niya, she’s producing Ogie Alcasid’s daughter Leila Alcasid music album for  Star Music.
 
Leila Alcasid and Marion Aunor

 “Whenever I’d see Sir Ogie, before this whole project came about, I’d tell him constantly that I want to work with him. Just so happens that Sir Roxy and Sir Jon picked me to produce Leila’s album. Happy coincidence sa messenger chat namin last night.

 
Sa pagbabalik niya sa Pinas ay pupunta muna sila ni Jonathan Manalo of Star Music sa Dubai.
 
I’ll be going there to judge a songwriting contest with Sir Jonathan. So right now I’m focusing on getting her arrangements and demos ready.
            
“I have a couple of songs that she liked, so we’re recording those. But I’ve also started working on some songs personalized for her,” mensahe ni Marion sa amin.
 
“As music producer-composer for Leila the album will be cool and edgy but still sweet, “ description ni Marion sa gagawin para sa anak ni Ogie.

Reyted K
By RK Villacorta

Previous articleSylvia Sanchez, naki-indie na rin para sa CinemaOne Originals bilang aswang!
Next articleTapatan ng ALEMPOY (Alessandra de Rossi – Empoy) at ASHLLOYD (Sarah Geronimo-John Lloyd Cruz), inaabangan na!

No posts to display