NAPA-WOW AT napabilib ang mga hurado ng Asia’s Got Talent na sina David Foster, Van Ness Wu, Anggun, at Melanie C. sa mga ipinakita ng 24 na kalahok na pasok sa semi-finals na nanggaling sa iba’t ibang bansa. Talagang nag-step up ang lahat ng kalahok na nagpakita muli ng kanilang galing sa Marina Bay Sands sa Singapore para sa round na ito upang patunayan na sila ay karapat-dapat makapasok sa Grand Finals. Ang 24 na kalahok na ito ay hinati sa tatlong batch na binubuo ng walo sa isang batch at sa bawat batch ay may tatlong kalahok ang papasok para sa Grand Finals, ang isa roon sa tatlo ay pipiliin ng mga judges bilang kanilang golden buzzer na didiretso sa Grand Finals at ang dalawa naman ay dadaan sa public votes, ang dalawa sa pitong natitira sa isang batch na makakuha ng pinakamataas na boto ay pasok na din sa Grand Finals.
Tapos nang mag-perform ang 24 na semifinalists at siyam na kalahok na lang ang maglalaban-laban sa Grand Finals. Sa 9 na nakapasok sa Grand Finals, 4 doon ay ating mga kababayang Filipino kaya tuwang-tuwa ang kanilang pamilya pati mga kababayan dahil sila ay pasok sa Grand Finals ng Asia’s Got Talent. Ang apat na pambato ng Pilipinas para sa Grand Finals ng Asia’s Got Talent ay ang hip hop dance group na Junior New System, ang shadow play na El Gamma Penumbra, at ang dalawang singer na sina Gwyneth Dorado at Gerphil Flores.
Napabilib ang mga hurado sa galing ng kanilang pinakita nitong semi-finals. Ang dalawa sa pasok sa grand finals ay nakakuha ng Golden Buzzer na ibig sabihin ay diretso na sila agad sa Grand Finals, at ang dalawa pa nating pambato ay nakakuha ng mataas na boto sa public votes. Ang Junior New System na sumayaw at nagta-tumbling habang sila ay naka-heels ay talagang napapasayaw ang mga hurado sa kanilang upuan at napatayo dahil sa galing nila kaya sila ang pinili bilang golden buzzer ng mga judges na didiretso na sa Grand Finals, pati ang El Gamma Penumbra na heart-warming na shadow play ang kanilang ipinakita at talagang naging emosyonal ang mga hurado dahil sa galing nila lalo na si Anggun, isa sa mga hurado, dahil ito ang kanyang golden buzzer act noong audition pa lamang at ngayon ay nakakuha ulit sila ng golden buzzer at didiretso na rin agad sa Grand Finals.
Sina Gwyneth Dorado at Gerphil Flores naman ay nakakuha ng mataas na public votes dahil sa galing ng kanilang ipinakita, Si Gwyneth Dorado ay kinanta ang Nobody’s Perfect na kanta ni Jessie J. habang naggigitara kaya bilib ang mga judges tulad ng kanyang ipinakita mula pa lang ng audition, at si Gerphil Flores na kinanta ang (Where Do I Begin?) Love Story ni Andy Williams na napa-wow muli ang mga judges sa kanyang galing at talagang enchanting na performance.
Nakapa-proud talaga ang galing ng mga Pinoy. Kaya mga kababayan, patuloy natin silang suportahan, ang ating mga pambato para sa Grand Finals ng Asia’s Got Talent na gaganapin muli sa Marina Bay Sands sa Singapore.
Usapang Bagets
By Ralph Tulfo