BAGO SA ATING paksa tungkol sa isang Sir na tamad at inutil, nais ko munang papurihan ang isa namang Sir na masipag at maaasahan. Siya ay si Sir Ifor. Kilala siya sa Philippine National Police bilang Police Director Ifor Magbanua, Inspector General ng Internal Affairs Service (IAS) ng PNP.
Ngayon, balik sa ating paksa. Ang tinutukoy kong tamad at i-nutil na sir ay si Sir Agrimero. Kilala siya sa ating kapulisan bilang Police Director Agrimero Cruz Jr., ang pangkalahatang Spokesperson ng PNP.
Si Sir Agrimero ay saksakan ng tamad. Tamad siyang sagutin ang mga tawag sa kanyang cellphone para ipaliwanag ang panig ng PNP tungkol sa mga samu’t saring kaso. Si Sir Agrimero ay ubod din ng inutil. Inutil siyang gampanan ang kanyang tungkulin bilang PNP Spokesperson para pagandahin ang imahe ng kapulisan.
Masasabing tried and tested na talaga si Sir Agri-mero ng WANTED SA RADYO pagdating sa katamaran at kainutilan. Hindi na mabilang ang mga insidente kung saan sinubukang tawagan at i-text ng WSR si Sir para siya ay kapanayamin sana tungkol sa mga usapin na may kinalaman sa PNP ngunit ayaw niyang sumagot o mag-reply sa aming mga text messages. Sa ilan pa ngang pagkakataon, kina-cancel pa niya ang aming mga tawag sa kanyang cellphone.
Hindi na rin mabilang ang mga pagkakataon na pinadalhan namin ng mensahe sa text si Sir Agrimero para humingi ng listahan ng mga pulis na gumawa ng kabutihan at puwedeng papurihan para sa segment ng WSR na Huwarang Pulis ngunit ni minsan, hindi siya nag-reply sa aming mga text.
Hindi ko maiwasang ikumpara si Sir Agrimero sa mga dating Spokesperson ng PNP tulad nina Police Director Leopoldo Bataoil, na ngayon ay Congressman na. At Police Director Samuel Pagdilao Jr., ang kasalukuyang Chief ng CIDG. Noong kapanahunan nina Sir Leopoldo at Sir Sammy bilang mga Spokesperson, kahit anong araw at oras, sinasagot nila ang kani-lang mga cellphone at nagre-reply sa kanilang text messages. Dahil dito, mabilis na nabibigyang-linaw sa mga mamamayan ang mga usapin o problema na kinahaharap ng PNP sa pamamagitan ng media.
Eksaktong kabaligtaran naman ni Sir Agrimero si Sir Ifor. Nang minsan, nai-ere sa WSR ang reklamo laban sa isang pulis na nang-abuso. Kinabukasan, nasorpresa ang WSR nang may dumating na dalawang tauhan ni Sir Ifor mula sa IAS at nangakong paiim-bestigahan ang kaso. Hinikayat din ng mga masisipag na tauhan ni Sir Ifor ang WSR at ang mga tagapakinig na huwag mag-atubiling dumulog sa kanilang tanggapan kapag sila ay naging biktima ng pang-aabuso ng mga miyembro ng PNP.
Kamakailan, binatikos ko si Sir Agrimero sa WSR dahil sa kanyang pagiging tamad at inutil. Ilang mga miyembro ng Camp Crame press corps ang nakapakinig at nagpiyesta sa tuwa.
Ang WSR ay napakikinggan sa 92.3 FM, Radyo5, Lunes-Biyernes, 2:00-4:00 pm. Kasabay na napapanood din ito sa Aksyon TV sa Channel 41. Sa Cebu at Davao ang Aksyon TV ay nasa Channel 29. Sa SkyCable naman, ito ay nasa Channel 61 at Channel 1 pagdating sa Cignal. At sa Destiny ito ay nasa Channel 7.
Para sa inyong mga sumbong at reklamo, mag-text sa 0917-7-WANTED.
Shooting Range
Raffy Tulfo