SA GITNA ng chaotic social media timelines natin sa panahon na tayo’y naka-Enchanced Community Quarantine ay mas lalong sabik ang mga tao sa content na magpapa-good vibes. Kailangan natin ngayon ng feel-good stories dahil ang realidad natin ay tinadtad na ng samu’t saring negativity na nakakainis na talaga!
Sa araw na ito ay natuwa ang mga loyal fans ng tambalang AlDub nina Alden Richards at Maine Mendoza dahil ibinalik ng Eat Bulaga ang ilan sa mga ‘Tamang Panahon’ episodes ng Kalyeseryeng forever nang naka-ukit sa puso ng mga dabarkads.
It’s been five years pero para sa mga loyal AlDubnation ay fresh na fresh pa rin sa kanilang memorya kung paano sila unang nainlab sa ‘accidental’ loveteam na ito. Si Alden noon ay ginu-groom na ng Kapuso network para maging next important leading man nila. Sa katunayan, hit din naman ang tambalan nila noon ni Louise delos Reyes (Alakdana, One True Love at Mundo Mo’y Akin) at naisalang ito sa drama roles. For a change ay pumasok ito sa Eat Bulaga.
Ang isang unassuming dalaga from Bulacan named Maine ay nagpapalipas-oras lang nang umpisahan nitong mag-upload ng mga lipsync videos niya sa Dubsmash app and before you know it, trending na ito sa social media. Who’s that girl?! Why is she so charming? Anong meron ang babaeng ito at tila nakuha niya kaagad ang puso namin?
Dahil dito ay nagkainteres sa kanya ang Eat Bulaga at kinuha ito bilang Yaya Dub, ang Yayey ni Lola Nidora (played by Wally Bayola) na katulad ng amo ay medyo uma-attitude din. Hindi ito ngumingiti!
Noong July 16, 2015 nag-umpisa ang lahat. Dito nagana pang unang ‘onscreen meet’ nina Alden at Yaya Dub at hindi napigilan ng huli na ma-conscious. Dito ay nakitaan na ng kilig at potensyal ang tambalan nila na naging ‘AlDub’ at nag-umpisa na ang pagdevelop ng storyline ng pag-iibigan ng dalawa sa Kalyeserye. In just a few months time ay sina Alden Richards at Maine Mendoza na ang biggest stars ng Pilipinas.
Kahit na in a way ay nabuwag samantala ang tambalan nina Alden at Maine dahil sa mga solo projects nila ay nandyan pa rin ang mga fans nila na hinihintay ang tamang panahon para sa kanilang reunion movie. Kailan kaya? Matagal-tagal na rin kami naghihintay, huh!
To Eat Bulaga, good job sa pagbabalik ng mga nakakakilig na memories ng AlDub. Ipagpatuloy niyo ‘yan please dahil kailangan na kailangan namin ‘yan ngayon!