IBA ANG tambalang Bela Padilla at JC Santos. May kakaibang kilig. May banda sa loveteam nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo at LizQuen nina Liza Soberano at Enrique Gil.
Akala mo, may something ang dalawa dahil kapag pinapanood mo sila sa wide screen, iisipin mo na mag-lovers sila. May relasyon ika nga. Pero wala.
Sa first screen team up nila via ‘100 Tula Para Kay Stella’, nag-hit ang team-up nila. Maging ang Viva Films, nagulat sa resulta sa box-office ng pelikula nila. Nasundan pa ito ng ‘The Day After Valentine’s‘.
Parang John Lloyd Cruz at Bea Alonzo na may cult following.
Pangatlong pelikula ng dalawa ang “On Vodka, Beers, and Regrets” na palabas na sa Wednesday, February 5 pero based on online surveys, walang kasawaan ang mga fans nila. Just like Lloydie at Bea na kahit may mga solong careers as artista individually, hinahanap-hanap pa rin sila ng manonood.
Last Metro Manila Film Festival 2019, nagkasama ang dalawa sa pelikulang Miracle on Cell No. 7 not as a love team kung saan JC played as one of Aga Muhlach’s cellmate while Bela naman played as Yesha, na anak ni Aga noong tumanda na at naging lawyer.
Sa totoo lang, may mga artist na ang ka-loveteam nila, gusto nila ay wala silang personal relationship. Hindi sila mag-boyfriend or girlfriend.
Sina Lloydie at Bea, sa kabila ng kasweetan nila onscreen (tulad nina JC at Bela on screen); wala makapag-kumpirma tungkol sa “relasyon” nilang dalawa.
Sa katunayan, may lumutang na tsismis noon na silang dalawa diumano nang maghiwalay si JC at ng girlfriend niya na isang stage actress at si Bela naman ay split na rin sa dating boyfie na si Neil Arce na fiancée na ngayon ni Angel Locsin, puro haka-haka lang ang sinasabing “romance” nina JC at Bela.
Pero sa ganang akin, okey na rin na walang namuo na “relasyon” sa dalawa. Mas maigi. Mas professional ang dating para hindi sila magkailangan kung sakali man may tampuhan or away sila on a personal level kapag nasa harap ng kamera.
Sa mga fans at supporters ng dalawa, may part two ang 100 Tula Para kay Stella this year as part of Viva Vision 2020. Abangan!