UGALI KO na tuwing Wednesday, sa araw ng palitan ng mga pelikula sa mga sinehan ay nandoon ako.
Tatlong pelikula ang gusto ko panoorin last night. Pinagpipilian ko between “Love You to the Stars and Back” nina Joshua Garcia at Julia Barretto sa direksyon ng original “hugot” director na si Antoinette Jadaone; ang English film na “The Dark Tower” na sa trailer pa lang ay interesting na sa akin at ang shock-boggie na evil possession na “Crucifixion” na mala cheap version ni Linda Blair na The Exorcist during the 70’s na kahit yong mga naunang ganung klase ng pelikula ay nae-enjoy ko pa rin kahit katsipan.
Pero sabi ng kasama kong si Ricky, yong JoshLia na lang daw. Gusto niya mapanood ang dalawa sa big screen dahil nakaligtaan niya na mapanood ang mala-love triangle romance movie nina JoshLia with Ronnie Alonte na Vince and Kath and James last MMFF 2016 na hindi niya alam na pinilahan pala ng manonood.
Sa totoo lang, cute sa akin ang pelikula nina Joshua at Julia na noong unang bumungad ang eksena nila na magkasama sila ay jumi-jingle si Mika (Julia Barretto) sa talahiban habang si Caloy (Joshua Garcia) naman ay nagbabawas na hindi nila pansin na magkatabi lang pala sila na nauwi sa gulatan.
Ang naturang eksena ay panimula ng argumento nilang dalawa sa start ng pelikula,
Ewan ko kung eksenang pang-millennials yon na nagtatalo sila sa loob ng kotse ni Mika na ang ingay ng dalawa. Sabi ng kasama ko, okey daw yun. Nakakatawa daw yun.
Ang mga JoshLia fans na nakasabay namin, natawang-tawa at super react sa naturang eksena. Cute daw yun na hindi ko maaruk kung ano ang ikina-kyut ngeksena nila sa edad ko na 56.
Habang hinahabi ang kuwuento nina Caloy at Mika, nagusustuhan ko ang “LYSB”. Nagustuhan ko.
I like Caloy’s Batangueno charm. Pansin na pansin ang punto ng “ala-ey” promdi boy na sa wide screen ay ang lakas ng presence ng aktor. Charming siya.
Si Julia, tipong natagpuan na niya ang perfect timpla kung sino ang dapat niyang kapareha o ka-loveteam.
Aliw ako sa dalawa habang umuusad ang kuwento. Nagugustuhan ko sila.
Sa mga JoshLia fans, alam ko kilig na kilig sila na maririnig mo ang mga side comments nila. Naka-limang beses yata ako nag-react sa mga pa-kyut nina Caloy at Mika sa mga eksena. .
Pero mabigat din sa dibdib ang pelikula dahil sa mga personal conflicts nila na in the end ay nahanapan din nila ng kasagutan .
Because of film, I’m liking Joshua and Julia. Love ko na ang dalawa.
Ask ko lang ay Direk Antoinette; anong next film kaya ni Goldie (The Chicken) sa Star Cinema?
Request ko lang, more films for Joshua and Julia.
Basta ako, kahit katsipan, panonoorin ko pa rin yong devil possession movie na Crucifixion!
Reyted K
By RK Villacorta