MULING NAGBABALIK ang tambalan nina Richard Gomez at Dawn Zulueta via the teleserye Walang Hanggan. The cast also includes Ms. Susan Roces, Ms. Helen Gamboa, Rita Avila, Melissa Ricks, Paulo Avelino, Joem Bascon, Coco Martin, and Julia Montes. Walang Hanggan is said to be the television version of Richard and Dawn’s 1991 movie Hihintayin Kita sa Langit, a film based on the novel Wuthering Heights by Emily Brontë.
Unang nagtambal noong Dekada ‘90 sina Richard at Dawn na dalawa sa mga hinahangaang artista sa industriya. They were a perfect match. Si Richard ang isa sa pinakamainit na matinee idols ng bansa while Dawn is one of the most beautiful faces to grace local showbiz.
Although they are now both happily married ay marami pa rin ang nananabik na muli silang magtambal sa pelikula o telebisyon. Wala namang problema dahil parehong supportive ang kanilang mga asawa. At tingnan mo nga naman ang pagkakataon dahil pareho pang nasa pulitika ngayon sina Lucy Torres (Rep. of 4th District Leyte) at Anton Lagdameo (Rep. of 2nd District Davao del Norte).
Suwerte sina Richard at Dawn sa kani-kanilang pamilya. At pinatunayan ito ng kanilang mga malalapit na kaibigan. Sinabi ni Aiko (Melendez), a close friend of Dawn and Anton, na maselan magbuntis si Dawn. Anton was always there to assure her na lagi lang siyang nasa tabi nito kahit anong mangyari.
Kuwento naman ni John Estrada, “One thing that I admire about them [is] the respect. Importante talaga sa mag-asawa iyong respect. Let’s say si Lucy may gagawin siya, hindi p’wedeng mang-istorbo si Goma roon. Lucy respects his sports.”
At sa wakas ay natupad na nga ang pangarap ng marami na muling makitang magkasama sa isang project sina Richard at Dawn. “Ako, I’ve always been a fan of the two. Ngayon ko napatunayan na kaya sila nagtatagal sa industriya kasi nagta-translate sa nanonood iyong passion, love, and commitment nila sa craft nila. Ewan ko ba iyong chemistry ng dalawang iyan. Incomparable talaga! Unang scene pa lang gumugulong na kami sa kilig. Iyong iba kasi kapag nag-end iyong real life team-up nag-end din iyong reel life team-up. ‘Pag pinagsama mo wala nang chemistry. Sila, iba. Alam naman natin na happily married silang dalawa pero kapag sumigaw ka ng ‘action,’ kayang magpakilig pa rin iyong chemistry nila. Hindi talaga nabawasan. Feeling ko nga nadagdagan pa eh,” papuri ni Direk Jerry Lopez-Sineneng na isa sa mga direktor ng
Kaibigan, usap tayo muli!
Points of Boy
by Boy Abunda