May kilig sa mga fans ang tambalan nina Jean Garcia at Richard Yap.
Yes sa premiere ng pelikulang “Mano Po 7: Chinoy”, tuwing lumalabas ang eksena ng dalawa, tilian ang fans at supporters ng bawat artista.
Lalo na nang buuin nina Mother Lily at Ms. Roselle Monteverde ng “love team” ng dalawa.
“May kilig pa rin pala ako,” nangingiting kuwento ni Jean sa amin sa pa-late dinner ni Mother Lily sa mga bisita niya na nanood ng preem ng pelikula.
My kiliti ang tambalang Jean at Richard. Puwedeng na i-compare sa McLisse (McCoy de Leon at Elisse Joson) or sa JaDine (James Reid at Nadine Lustre). Aliw.
Kung sina sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, ang tawag sa dalawa ay KathNiel at sina Liza Soberano and Enrique Gil ang tawag sa tambalan nila ay LizQuen, ano kaya ang puwedeng itawag sa Jean-Richard “love team”? Oks ba na tawagin natin silang JenChard or RichJen?
Sa pelikula, Jean and Richard played the role Wilson Wong and Debbie Wong na parents nina Enchong Dee, Janella Salvador, at Janna Agoncillo.
They played their roles to the max. Magaling si Jean as expected. Si Richard, lalong nahahasa sa pag-arte.
Now, sa tambalang Jean-Richard or Richard-Jean, ang love team nila ay puwede na ring makipagsababay sa screen love team nina Jodi at Richard na nabuo sa telebisyon via “Be Careful With My Heart”.
Sa Wednesday, December 14, ang showing ng “Mano Po 7: Chinoy” nationwide.
Reyted K
By RK VillaCorta