BLIND ITEM: NAGTATAKA lang kami. Noon pa kasi namin naririnig ang balitang not in good terms ang mag-inang celebrities. Kaso nga, hindi lang masyadong pinag-uusapan, dahil nga walang may gustong i-touch ito.
Dahil siyempre, pagsasabungin mo ba naman ang mag-inang nagtatrabaho sa isang network? Kahit nga kami, fee-ling namin, meron lang sigurong misunderstanding ang dalawa, at normal lang ‘yan sa isang mag-ina, kaya hindi na dapat itong pinalalaki ng ibang tao.
Eh, ang kaso kasi, pareho silang sikat, kaya hindi maiaalis na kahit hindi nasusulat eh, pinag-uusapan naman ng mga madlang people na kilala sila pareho.
Sana nga, isang araw, makita natin ang mag-ina na magkasama para na rin hindi na sila pinag-uusapan ng mga tao kumbakit ang tagal na nilang may tampuhan. After all, mag-ina pa rin sila at sila pa rin ang magkakampi at the end of the day.
Sana, mag-usap na sila’t magkahingahan ng sama ng loob para makita uli sila ng mga fans na magkasama at manatili sa puso ng mga Pilipino na sila ang role model ng isang magandang samahan ng mag-ina.
ANG BUONG AKALA ng mga press people na um-attend ay presscon ‘yon para kay Vice Ganda. Pinatawag sila ng 10:30am para nga mainterbyu si Vice.
Pero ang totoo, VTR lang pala si Vice para i-announce nito sa harap ng mga dumalong movie press na may mahalagang announcement siya, kaya ‘eto na nga….
Ipinakilala na ni Eric John Salut at tinawag na si Sarah Geronimo. At ayun, hindi pa rin sinasabi kung para saan ang presscon. Basta nagkaroon ng pagkakataon ang mga press na makatsikahan si Sarah.
Tulad ng pag-aaral ni Sarah sa ibang bansa at ‘yung pangarap niyang mag-aral ng pagluluto at kung anu-ano pang katanungang may kinalaman lang sa work. Hanggang sa maya-maya, tinawag na talaga ang bagong miyembro ng pamilya.
Si Gerald Anderson!
Yes, bukod kina Vice Ganda at Sarah Geronimo, ang newest addition to the Globe Family na ayun naman pala ang sorpresa – si Gerald!
We got the chance to talk with some people from Globe at ang sabi nila sa amin, i-expect na raw namin ang pag-angat pang lalo ng sales ng Globe.
Wala bang libreng Blackberry diyan?
Chos!
NAKAKATUWA ‘YUNG MGA nagtu-Tweet sa amin at nagre-request na kung puwede kaming bumalik sa morning show, dahil nami-miss nila kami. Hehehehehe. Ang sarap ng feeling, ‘no?
Pero siyempre, kahit naman kami, nami-miss namin ang aming morning audience. Pero sinusulat namin ito, hindi para magparinig sa News & Current Affairs na sana ibalik nila kami.
Nope. Ayaw lang talaga na-ming nagpapaasa sa mga tao. Baka “bingi” lang ang nakaka-rinig ng kanilang request. Pero ang totoo po, na-get over na po namin ang morning show. Hindi na rin po namin kakayaning gumising nang pagkaaga-aga.
Hindi na rin namin kayang gumawa ng script sa gabi. Lumalaki na po ang aming apat na anak at hindi po siguro kakasya sa dalawang pamilya ang susuwelduhin namin du’n na hindi naman ganu’n kalakihan, pero me mga restrictions ‘pag nagtrabaho sa News & Current Affairs.
Masarap pa ring gumising sa oras na gusto mo. Na kahit hindi kami umidlip after lunch o sa hapon ay ayos lang. Na kahit madaling-araw na kami matulog ay ayos pa rin, dahil wala naman ka-ming trabaho nang sobrang aga.
Pero sa mga naniniwala sa amin at nami-miss kami, konti na lang po ang ipaghihintay n’yo at araw-araw na ninyong mapapanood ang “pagmumukhang” ito, promise. Inaayos lamang po namin ang lahat ng detalye.
Kaya abangan…
Me gano’ng factor….
Hahahaha!
Oh My G!
by Ogie Diaz