‘Concert Queen’ – sino pa nga ba ang may-ari ng koronang ‘yan kundi si Pops Fernandez. Nagsimula ang singer-actress-TV host sa showbiz nu’ng siya ay 16 years old pa lamang. Sweet ang image, lalo na sa tuwing lumilitaw ang kanyang dimples, agad na nahuli ni Pops ang hanap ng masa sa isang iidolohin. Idagdag pa riyan ang maganda niyang tinig, ang una niyang puhunan nang pasukin ang mundong ginagalawan. Una siyang napanood sa noontime show na Eat… Bulaga! noong 1979.
Pero hindi na kataka-takang tahakin ni Pops ang entertainment world dahil anak siya ng 70s action star na si Eddie Fernandez at ng singer na si Dulce Lukban. Ang una niyang hit single na ‘Dito’ ay sinulat ni Tito Sotto, tiyuhin niya ang dating senador. Sumikat nang husto ang awitin nu’ng early 80s. At ang mga album niyang Pops (1982), Pops Fernandez in Love (1983), Heading for the Top (1984), at The Best of Pops Fernandez (1986) ay consistent na top-sellers. Nasundan pa ‘yon ng maraming album throughout the 90s hanggang sa kasalukuyan. Sold-out din ang bawat concert niya.
Lalong umigting ang kasikatan ni Pops nang makapareha niya si Martin Nievera sa TV show na Penthouse Live! (1982). Sa programang ito nabuo ang romantic relationship ng dalawa. Dito rin nila idineklara ang kanilang pagpapakasal na naganap noong 1986. Nagkaroon sila ng dalawang anak, sina Ram at Robin. Nagsanib-puwersa ang mag-asawa sa kanilang shows, gigs at major concerts na lahat ay super successful, kaya naman ibinigay sa kanila ang titulong ‘Philippines’ Concert King and Queen.’
Successful sa kanyang singing career at TV hosting, pinasok din ni Pops ang pelikula. Una siyang napanood sa Pag-ibig Pa at Just Say You Love Me noong 1982. Nasundan pa ‘yon ng ilan pang pelikula na pawang kumita lahat sa takilya. Ang huling pelikulang ginawa ni Pops ay ang Zsazsa Zaturnnah Ze Moveeh (2006).
Year 2003 nang lumipat ang singer-TV host-actress sa GMA TV network mula sa ABS-CBN. Isa sa pinakakontrobersyal na move ng Concert Queen ay nang mag-pose siya ng sexy sa FHM noong 2006. That same year, nag-celebrate ng kanyang 25th year sa showbiz si Pops.
Sa showbiz, kadalasan ay hindi sabay na nagiging tagumpay ang career at lovelife. Natapos ang Martin-Pops tandem, professionally and personally, after 12 years. Napakalaking balita nu’n lalo na at ang pinag-ugatan ng kanilang hiwalayan ay ang infidelity ni Martin. For a time, naging laman ng showbiz media ang mag-asawa lalo na nang isiwalat ni Pops ang naging kasalanan ni Martin. Pero matapos ang ‘palitan’ nila ng mga salita sa TV at print, magkaibigan na ngayon ang dating mag-asawa.
Nagkaanak si Martin sa kanyang kinakasama na based sa Amerika. Samantalang si Pops naman, most recently, ay kahihiwalay lang sa aktor na si Jomari Yllana. Katatapos lang ng concert series na Divas 4 Divas ni Pops kasama sina Regine Velasquez, Kuh Ledesma, at Zsa Zsa Padilla na after ng successful show nila sa Araneta Coliseum ay nagkaroon pa ng series sa Amerika.
The Concert Queen’s real name is Maria Cielito Lukban Fernandez and she was born on December 12, 1966.
Click to enlarge.