“I love you, Piolo!” Sigaw ng bidang babae sa isang softdrinks commercial. Very memorable, at ang masasabing naging hudyat ni Toni Gonzaga sa kanyang pagpasok sa showbiz. ‘Yun din ang biggest break ng ngayon ay sikat nang TV host, actress, at singer.
Naging palasak din ang pangalan ni Toni nang maging co-host siya ng noontime show na Eat… Bulaga! (2002). Hindi lang siya sa hosting nahasa nang husto nang makasama niya ang batikang hosts ng show na sina Vic Sotto at Joey de Leon, lumutang din ang pagiging natural na komedyante ni Toni. Pero sa umpisa, sa singing talaga gusto niyang malinya. In fact, at the age of seven (7) ay sumasali na sa singing competitions si Toni. Sa isang competition, nakalaban pa niya sina Kyla at Faith Cuneta. At 16, part-time lounge singer na si Toni sa ilang bars at hotels.
Unang naging talent ng GMA TV network si Toni. Pero bit roles lang ang laging naibibigay sa kanya. Nakasama rin siya sa TV shows na Bubble Gang, SOP Rules, at S Files, bago siya lumipat ng ABS-CBN noong 2005. Naging malaking isyu naman ang pag-alis niya sa Eat… Bulaga!.
Sa ABS-CBN, nakasama niya sa TV show na Most Requested Show (2005) sina Roderick Paulate at Amy Perez. Isa rin siya sa hosts ng Entertainment Konek (ETK) kasama si Ogie Diaz. Si Toni ang naging lead host ng Philippine franchise ng reality-TV show na Pinoy Big Brother.
Blockbuster ang una niyang movie under Star Cinema na ‘D Anothers (2005), isang horror-comedy kung saan ang leading man niya ay si Vhong Navarro. Muling pinatunayan ni Toni ang lakas ng hatak niya sa takilya sa You Got Me (2007), kapareha niya rito ang Pinoy Big Brother housemate na si Sam Milby. Kinagat ng fans ang loveteam ng dalawa, kaya blockbuster din ang You Got Me at My Big Love (2008). Naging usap-usapan na nagkaroon ng off-screen romance sina Toni at Sam. Nu’ng una, idinenay nila ito, pero later on, inamin din nilang for a time ay nagkaroon sila ng ‘mutual understanding.’ Muli namang nagtambal sina Vhong at Toni sa My Only U (2008), as expected, kumita ang pelikula.
Nagpatuloy ang loveteam nina Toni at Luis Manzano sa TV series na Crazy For You (2006).
Successful din ang tatlong albums ni Toni: ang You Complete Me (2006), Fallin’ In Love (2007), at Love Is? (2008). Ilan sa hit singles niya ay ang “We Belong,” “Kung Kaya Ko,” “Catch Me I’m Fallin’,” at “Kasalanan Ko Ba?.”
Currently, Toni is involved with Director Paul Soriano. Muli siyang mapapanood sa pagbubukas ng Pinoy Big Brother house this year. Regular naman siyang napapanood sa Entertainment Live at ASAP.
Kapipirma lang ng TV host-actress-singer ng bagong 2-year-exclusive-contract sa ABS-CBN, dispelling the rumor na magbabalik siya sa GMA-7. May bago rin silang album ni Sam, ang Love Duets. Kasama rin si Toni sa pelikulang gagawin nina Ai-Ai delas Alas at Joseph Estrada kung saan muli niyang makakapareha ang ka-loveteam na si Sam.