MARAMI NANG MGA pelikula ang ipinalabas about gays. In Hollywood, there are movies like Brokeback Mountain, The Bird Cage, Philadelphia and To Wong Foo Thanks for Everything, Julie Newmar. Sa Pilipinas, binigyang buhay naman ni Tito Dolphy ang ilan sa mga di-malilimutang gay characters sa pelikulang Markova: Comfort Gay, Ang Tatay Kong Nanay, Pacifica Falaypay, Fefita Fofongay at Jack en Jill.
Bukas na ang isipan at tanggap na ng mga Pinoy ang mga pelikulang may gay themes. In Star Cinema’s upcoming movie In My Life, isang mapaghamong papel ang gingampanan nina Star for All Seasons Vilma Santos, Luis Manzano at John Lloyd Cruz. Ano kaya ang reaksyon ni Vi nang malaman niyang may kissing scene sina Luis at John Lloyd? Ano kaya ang tumatakbo sa isipan nina Luis at Lloydy while shooting their intimate scenes?
In My Life is a wonderful movie that talks about different kinds of relationships. Anyone can relate to this movie because this can be anyone’s life – maaaring ikaw, si Aling Nena, si Mang Tonyong magkakariton, iyong lalaking matiyagang pumipila para makapasok sa mga reality show at maging ako. Gaya ko, you just might be watching yourself on the big screen.
Parati kong sinasabi that homosexual love is equal to all kinds of human love. Ang lagi naming hinihingi ay equal chances and opportunities. Tulad ng lahat, ang mga gay ay may puso rin na tumitibok, nagmamahal, lumalandi, umiiyak. Matatalino at may kakayahang magpasya kung ano ang tama o mali. Lahat ay pantay-pantay sa mata ng Diyos. Walang mayaman o mahirap, matangkad o maliit, lalaki o babae, tomboy o bakla. When you are in front of the Pearly Gates, your key to enter is not your gender but who you are!
Kaibigan, usap tayo muli!
Points of Boy
by Boy Abunda