Tanong ng nadamay sa engkuwentro

NARITO ANG ilan lamang sa mga sumbong na ipinadala sa pamamagitan ng aming texthotlines na 0908-87-TULFO at 0917-7-WANTED.

Idudulog ko lang po sa inyo ang tungkol sa aming problema dahil naipit po ang bahay namin sa isang enkuwentro ng mga pulis at sindikato. Natadtad ng bala ang bahay namin pati na ang aming mga kagamitan at tricycle. Ano po ba ang dapat naming gawin dahil wala man lang po kaming matanggap na tulong para maiayos ang mga kagamitan naming nasira? Saan po ba dapat kami lumapit?

Isa po akong concerned citizen at gusto ko lamang po ireklamo itong may-ari ng truck na nakaparada lagi dito sa daanan ng tao. Hindi na po makadaan ang mga tao sa bangketa kundi sa gitna na ng kalsada sila dumaraan. Inireport na po namin ito sa barangay ngunit wala namang nangyari.

Isa po akong concerned citizen, baka puwede n’yo pong tulungan iyong mga preso na nakakulong sa BJMP Molino II, Bacoor Cavite dahil pinababayaran po iyong higaan ng P6,000.00.

Concerned citizen lang po ako dito sa Bacoor, Cavite at may reklamo ako sa kapit-bahay namin na may negosyong videoke-han. Wala po kasing oras iyong kantahan sa amin. Hindi naman sa binabawal namin ang negosyong iyan, kaya lang kaming lahat sa paligid ay apektado sa ingay. Sana naman po ay mapagsabihan sila ng kinauukulan na ilagay nila sa tama ang negosyo nila.

Gusto po sana naming humingi ng tulong sa inyo, kasi po iyong tubig namin na nanggagaling sa barangay ay pinipigil ng aming kapitan kaya ang aming mga kapit-bahay ay nagbubukas na ng mga tubo sa kalsada makakuha lang ng tubig. Dito po ito Angono, Rizal.

Pakikalampag naman po ang Task Force Mandaluyong dahil wala na pong madaanan ang mga tao sa ibaba ng MRT Boni Station dahil sinakop na po ng mga vendor ang bangketa. Lalung-lalong na po kapag rush hour, wala nang madaanan ang mga tao dahil doon na rin natutulog ang mga vendor.

Reklamo ko lang po iyong sa Brgy. 435 Zone 43 dahil ginagawang negosyo ang covered court dahil pinagbabayad kami ng P200.00 per hour kapag gagamit kami sa umaga. Eh wala naman kaming kuryenteng kinokonsumo. Public place po ito, bakit pinababayaran kung wala naman kaming nakokonsumo na kuryente o anupaman habang gamit namin ang court.

 

Makinig at manood ng Wanted Sa Radyo 92.3 FM Radyo5 at Aksyon TV Channel 41, Luneshanggang Biyernes, 2:00-4:00 pm. Ito ay naka-simulcast din sa 101.9 FM sa Cebu at Davao. Sa Cagayan de Oro ito ay kasabay na napakikinggan din sa 101.5 FM at sa 97.5 FM naman sa General Santos City. Samantalang sa Bacolod City naman ay sa 102.3 FM.

Ang inyong lingkod ay mapanonood din sa Aksyon Sa Tanghali sa TV5, Lunes hanggang Biyernes, 11:30 am-12:00 nn.

Mapanonood din ang inyong lingkod sa T3: Alliance sa TV5 tuwing Linggo, 1:30 pm.

Para sa inyong mga sumbong, mag-text sa 0908-878-8536 at 0917-792-6833.

Shooting Range
Raffy Tulfo

Previous articleKathryn Bernardo at Daniel Padilla, daig pa ang magdyowa sa sobrang sweet sa isa’t isa
Next articleGrace Ibuna, itinangging stage mom siya kay Garie Concepcion

No posts to display