Tansong Tinig

ISANG GABI sa Talk TV, napanood ko ang special concert ni great American singer Tony Bennet. Isang oras akong isinayaw sa memory lane ng kanyang ageless repertoire ng ballad at jazz. Musika sa damdamin at kaluluwa.

Edad 70 pataas, ‘di maaaring ‘di makilala ang pamosong mang-aawit. Sa hinog na 90 anyos, si Bennet at ang kanyang mga awit ay patuloy pa ring humahalina sa kanyang milyun-milyong listeners sa buong mundo. Kung sa alak, ang kanyang tinig habang tumatagal ay lalong tumatamis.

Nu’ng 1999 nagkapalad akong makapanood ng isang concert ni Bennet sa Waldorf Astoria Hotel sa New York. Kasama ko ang ilang gabinete ni dating Pangulong Erap at dalawang pinsan. ‘Di makatkat sa aking isip ang alaala ng gabing ‘yon lalo na ‘yong saglit na lumipat siya sa aming mesa at sinabing may special na pagmamahal siya sa Pilipino. Ang autograph niya sa aking panyo ay nakakuwadro pa sa aking den hanggang ngayon.

College pa ako sa Lyceum ay rabid fan na ako ni Bennet. Halos maubos ang allowance ko sa pagpapatugtog sa canteen jukebox ng kanyang sikat na awit nu’n. Katulad ng Till, Cold-Cold Heart at I Left My Heart in San Francisco. Si Bennet ay isang extra-ordinary singer ng romantic songs. Effortless ang kanyang pagkanta. At ang kanyang tinig ay swabe at may ‘di maipaliwanag na kalungkutan.

Napabalita na fan din si U.S. President Barack Obama ng mang-aawit. ‘Pag may big event sa White House, ‘di mawawala si Bennet sa mga imbitadong entertainers. Sa napanood ko sa Talk TV, inawit niya ang parang hinuhugot sa laman at buto na “Blue Velvet”. Nakapipigil-hiniga.

SAMUT-SAMOT

 

NAKARAANG LINGGO ng 4:50am, nabuksan ko sa Channel 2 ang “Sa Kabukiran” program. Ang 2-hour program ay tungkol sa agrikultura – wastong pagtatanim ng palay, gulay at halaman at paghahayupan – na sponsored ng Department of Agriculture. Maya’t maya, may text na tanong ang mga magsasaka sa buong kapuluan na agad sinasagot ng apat na expert hosts. Dito ko napag-alaman ang malawak na interes sa agriculture at dairy products sa ating bayan.  Kung tutuusin, dapat focus tayo sa agriculture sapagkat ours is an agricultural country. Nu’ng panahon ni dating Pangulong Erap, food security ang isa sa kanyang prioridad. Napakayaman natin sa natural resources.

LIFE IS God’s gift to us. What we do with our life is our gift to God. A text message from Jessie Ejercito, brother of Erap, and my long-time friend. It was 0:45am. ‘Pag ring ng cell ko, siguradong text niya. Si Jesse is a very amiable, spiritual and low-key person. Siya ang all-around man ni Erap particularly on PR-Advertising and docu productions. Sa kanyang text, naisip ko ang tunay na kahulugan at pakay ng buhay. Intellect, emotion and health biniyayaan tayo ng Diyos. Kasama lahat ng pangangailangan sa mundo. Itinuro niya kung ano ang mabuti at masama. Pinagkalooban tayo ng free will. Para sa ating kaligtasan, nariyan ang Old Testament at New Testament. Sinugo ang Mahal na Hesus, tinubos tayo sa Kalbaryo, nag-iwan ng Simbahang Katoliko at patnubay ng Mahal na Mariang Birhen. Lahat-lahat ng paraan, inilatag para sa kaluwalhatian sa Kabilang Buhay. Totoo, the choice is ours.

NAKALULUNOS ANG sinapit ng mga taong diumano’y ginamit ng dating Pangulong GMA sa paglustay ng kaban ng bayan.  Isa sa kanila si dating PCSO GM Rosario Uriarte. ‘Pag natuloy ang plunder case sa kanila ni GMA, no bail at pihadong kulong habang buhay. Kawawa si Uriarte dahil nagpagamit siya kung mapatutunayan ang alegasyon. ‘Di na bale si Manoling Morato. Panahon na para siya’y magdusa kung mapatutunayan ang plunder case sa kanya. Mas lalong kawawa si Serge Valencia, dating PCSO chairman na nasangkot rin sa kaso na ‘di niya alam.

LIBU-LIBONG INFORMAL settlers o squatters ang naglipana hanggang ngayon sa Metro Manila – Makati, Quezon City at Manila. Below poverty line ang kanilang uri ng buhay. Kalalakihan, hubad sa labas ng bahay, walang trabaho. Mga anak na payatin at nanlilimahid, pagala-gala sa kalye. Akala ko ba may batas laban sa informal settling? O kinukunsinti sila ng mga pulitiko? ‘Yan ang suliranin natin. Loose ang political will to enforce our laws. Lahat kasi naaayos. Naareglo. Lahat may kaukulang presyo.

KUWENTONG KUTSERO. ‘Di kapani-paniwalang intriga ang pinasabog kamakailan ng defense panel ni CJ Renato Corona laban sa mga senador-judges. Nag-akusa sila ng panunuhol diumano ng Malacañang ng P100-M pork barrel sa mga senador-judges para ‘di sundin ang TRO ng SC sa opening ng dollar deposits. Wala silang maiturong source. Pangitang squid tactic para lituhin ang publiko sa mga isyu sa trial. Desperation act din ito ng Corona camp sa bawat araw sa conviction. Maraming palpak si lead defense counsel Serafin Cuevas sa mga cross-examination na nagbukas na tila Pandora’s box sa mga kalansay ni Corona. Tila mga amateurs ang PR handlers ni Corona. By muddling the issue, they will only reap public scorn and outrage. Better for Corona to resign.

PITIK-BULAG
By Ike C. Gutierrez

Previous articleXian Lim, very ungentleman?!
Next articleNagbababad sa show at shooting Gerald Anderson, bantay-sarado si Sarah Geronimo?!

No posts to display