LAST SUNDAY (OCT. 18), join kami kay Princess Revilla sa Cabanatuan City, Nueva Ecija para mamahagi ng relief goods sa mga nasalanta ng bagyong Undoy. Ang “Azucena Mortel Memorial Foundation” ay palaging bukas ang palad sa pagtulong kapag dumarating ang ganitong klaseng kalamidad sa ating bansa.
Itinatag ni Princess ang nasabing foundation sa alaala ng kayang butihing ina.“Eleven years na ang foundation kong ito. Gusto ko kasi, kahit wala na si Mommy, buhay pa rin siya sa ating isipan at para makatulong sa ating mga kababayan,” simpleng wika ni Princess.
Nang dumating kami sa Cabanatuan City, tumuloy muna kami sa mansion ni Ms. Bing Perez (best friend ni Princess) para mag-breakfast. Akala mo, fiesta sa dami ng inihandang pagkain.
Hindi nagtagal, tumungo na kami sa Paaralang Elementarya ng Valle Cruz para ipamahagi ang relief goods na ihinanda ni Princess sa mga kabataang naging biktima ng typhoon.
Masaya ang naging pagsalubong sa amin ng mga mamamayan na naninirahan du’n. Nagbigay ng kanya-kanyang song and dance numbers ang mga estudyante na ikinatuwa namin. Magkatuwang sina Princess at Ms. Bing sa pamamahagi sa mga kabayaan.
On the way, going back to Manila, nag-stop-over pa kami sa “Charcoal Grill” sa paanyaya ng mag-asawang Letty Talavera at Judge Tommy Talavera na bestfriend ni Tita Bing para mag- dinner. Masarap ang food, napakaganda ng ambience, para ka lang nasa sarili mo bahay.
Sa totoo lang, walang bahid-pulitika ang taos pusong pagtulong at kawanggawa ni Princess Revilla. ‘Yun lang po!
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield