KAHIT mixed reviews ang first week ng Super Ma’am ni Marian Rivera, masasabi natin na slowly ay nahahanap na nito ang niche target market nito na mga bagets.
Habang sumisilip kami sa hashtags na related sa programa, nakikita namin na marami na pala ang nanonood ng programa ng Primetime Queen ng Kapuso network na si Marian Rivera. Sa totoo lang, mas sanay ako na makita sa drama shows si Mrs. Dantes. Dahil siguro sa kanyang pagiging real-life mommy kay Baby Zia, mas gusto na nitong tumanggap ng projects na malapit sa mga bata.
Marami ngayon ang nagpapakita ng kanilang appreciation sa mga teachers nila. Lumalabas din na nagiging TV bonding moment ng mga parents with their kids ang panonood nito, which is very good. Pansin kasi namin na mas light at mas less stressful ang line-up ngayon ng GMA Telebabad. Okay na rin na may options ang mga televiewers na galing sa school o work.
Anyway, pumasok na last week ang karakter ni Kim Domingo as Avenir. Ang pagkakaalam namin ay magkapatid sila ni Minerva (Marian Rivera). Personal choice ni Marian si Kim at ito ang latest na artistang itinuturing niya na parang little sister.
In fairness, Kim Domingo can really act at base sa kanyang pagpapakuwela sa Bubble Gang, hindi ito maarte at game lang sa kahit anong ipagawa sa kanya. Mas okay rin na ang kontrabida ni Marian ay someone like her – fun, bold and fearless!
Sa showdown ng kaseksihan at katapangan, sino kaya kina Minerva at Avenir ang mananaig?
Anyway, bakit hindi kaya sa big screen magpatalbugan ang dalawa soon? Bongga ‘yun if ever!
Showbiz Blogster
by Mica Rodriguez
Pinoy Fans Club