AT LEAST, may nag-tiwala pang muli kay Maricel Soriano at pumirma muli siya ng kontrata sa Kapamilya Network para sa isang bagong teleserye, kung saan magsasama sila ng dating kasamahan niya sa Regal Films na si Dina Bonnevie at mga baguhang artista ng istasyon.
Hopefully, nag-level up na si Maria. Gone were the days niya na siya ang Maricel na mataray at bastos kung sumagot kung hindi man pabalang.
Aminin ni Maricel at dapat tanggapin niya sa sarili na hindi na siya sikat tulad ng dati at marami nang mga bago, mas sariwa at mas magaling sa kanya. In short, alangan na siyang magbida para mabenta ang isang pelikula.
Panahon na nina Angel Locsin, Angelica Panganiban at Bea Alonzo, and not to forget Sarah Geronimo.
Whoever is in charge with Maricel’s career, dapat ginigising na siya paminsan-minsan kung kakailanganin dahil it’s a new start for her at sa muli niyang pagharap sa showbiz para maging aktibo.
KALOKA HUH! Maha-harass nga ang kung sino mang artista kung ganyan ang set-up kapag nagte-taping ka sa Kapamilya Network.
Last Tuesday, super harass si Albert Martinez dahil umaga pa lang, may audience na siya kasama ang ibang mga artista para sa pelikulang Ang Sugo kung saan haharap sila sa head ng Iglesia ni Cristo.
From the Central headquarters of the INC, lagare pa sa press conference si Albert sa Quezon City Sports Club sa E. Rodriguez kung saan humarap siya kasama ang mga artistang kasamahan sa pelikula at mga distinguished leader ng INC at sa media.
Napag-alaman namin na ang pelikula ay tatalakay sa buhay ng pinuno ng INC na si Felix Manalo.
Actually, napag-alaman namin from friend Arlyn dela Cruz (who will write the script of the movie) na three generations ang itatakbo ng pelikula kaya tatlong bidang lalaki ang gaganap dito.
Si Albert, Richard Gomez at Sen. Bong Revilla at kasama sina Lani Mercado, Snooky Serna, Gladys Reyes at ilang mga artista na mga INC members.
Back to Albert’s taping; from the press conference, shoot, edit and broadcast pala ang mga eksena niya sa Princess and I na noong araw na ‘yun ay kailangan niyang makaalis nang maaga para sa taping ng teleserye sa Antipolo.
In that same INC event, maaga ring nagpaalam si Goma who have a confirmed flight back to Ormoc City, his turf.
Sa July 2014 nakatakdang ipalabas ang pelikula in time for INC’s centennial.
TODAY, FRIDAY ng hapon, ang da-ting ni Sylvia Sanchez kasama ang mister na si Art Atayde from their Holy land Pilgrimage. Umalis sila ng Israel kagabi, Thursday.
Malamang, sa pagbabalik niya, daming dalang kuwento ni Ibyang. From her feeling, winning as the 26th Star Awards for Television Best Female Actress in a Single Performance in MMK’s Aswang (bigla siyang nawala sa awards venue before binanggit ni Eddie Garcia ang nominees sa kategorya for her flight that night); ang road accident na naganap sa Haifa on their way back to Jerusalem from Mt. Tabor; at siyempre, ang reaction niya sa kauna-unahang mother and son award nila ng anak na si Arjo Atayde as Best New Male TV Personality for MMK’s “Bangka” episode (first in Philippine history sa isang award-giving body) at marami pang iba.
By the way, producer na rin pala si Sylvia sa first ever concert nina Jodi Sta. Maria at Richard Yap (aka Sir Chief) sa December 8 na gaganapin sa Metro Bar along West Avenue in Kyusi.
Reyted K
By RK VillaCorta