OKEY LANG SIGURO na mag-comment na kami ng pagkadisgusto sa kung anu-anong pakikisawsaw ng kung sinu-sino sa isyu ng sex videos involving Dr. Hayden Kho, Katrina Halli, and the others. Kahit naniniwala kaming balita pa rin itong dapat tutukan, we honestly feel, may responsibilidad ang bawat isa sa mga taga-industriya para kontrolin ang walang kuwentang paglaki ng kontrobersiya.
Nasabi naming walang kuwenta dahil sa bandang huli, alam naming walang patutunguhan itong mabuti para sa mas nakararami. Justice could be served to those seeking it, pero in the long run, ang prosesong itatakbo nito ay ikasisiya lamang ng mga tsismoso, intrigera at mamboboso. Habang lumalaki ang eskandalong ito, lalong sumasama ang epekto nito sa buong industriya.
Ayaw naming magpaka-self-righteous, pero kami mismo, sukang-suka na sa pagdi-discuss ng isyung ito. Wala kaming pakialam kung sinu-sino pa ang personalities na makikisawsaw rito, at kung sino ba talaga ang biktima, pero ang tinitingnan kasi namin dito ay ang bigger picture, ‘ika nga.
Nagsisikap ang ilan sa showbiz na paangatin ang imahe nito, pero dahil sa ganitong mga bagay, na pupuwede talagang mangyari, pero huwag naman sa puntong dito na halos umiikot ang lahat, nawawalan ng saysay ang lahat. Nagwagi sa Cannes Film Festival si Direk Dante Mendoza pero pansinin-dili na lang dahil mas binibigyan pa ng espasyo at oras ang mga ka-cheap-ang Senate inquiry tungkol sa mababaw na isyu.
Sabi ng iba, hindi raw mababaw dahil may droga nang involved, bukod sa sex at infidelity. Wala kaming pakialam dahil ang mga bagay na ‘yan ay problema lamang ng iilang direktang sangkot, kung tutuusin. As if naman sa showbiz lang naiuugnay ang mga isyu ng droga. Sa lahat ng sektor ng lipunan, may droga, bakit parang ang showbiz ang magiging sacrificial lamb para sa ganitong mga kademonyuhan at kaputahan?
Kung totoong gustong mairesolba ang katakut-takot na kasong may kinalaman sa droga, bakit sa puntong ito ay kakailanganin pa ang kontrobersiyang may kinalaman sa ilang showbiz personalities para pag-ukulan ng pansin? There’s really something wrong in this scenario, at ‘yun ang aming binabatikos.
Ito na ang huling pagbibigay namin ng opinyon sa pinaka-cheap na kontrobersyang ito. Kami ay nalulungkot dahil maski ang pagwawagi ni Direk Dante Mendoza sa Cannes na dapat ay i-hype as a milestone in the local movie industry, hindi na binigyan pa ng atensiyon.
Sabihin nilang hindi naman daw interesado ang marami sa pagwawagi ni Direk Dante, dapat ipa-realize ng media sa publiko na malaking achievement ito na pupuwedeng ikasulong ng local movie industry para sa tuluyang pagkilanlan ng World Cinema, and possibly, Hollywood.
At kung ayaw nila ng ganyan, ito na lang commercial attempts ng ABS-CBN to come up with serious teleseryes, na somehow, nakapagpapakita ng totoo sa lipunan at hindi yaong puro kapantasyahan na lang na walang kapararakan.
O, e, bakit ‘yang mga sex videos na ‘yan ang iniintindi natin? Given na ang mapupulot na aral sa pangyayari involving the scandals, and there’s nothing to blame but stupidity by some people. O, e, bakit makikihalo pa tayo sa kaestupiduhin ng kung sinu-sino, which is making all of us stupid.
Makikisawsaw ka pa ba sa eskandalong ‘yan? Unless, stupid ka rin…
Calm Ever
Archie de Calma