ISA SA biggest disappointments in a teleserye in a long while para sa amin ang ‘Asawa Ko, Karibal Ko’ na pinagbibidahan nina Kris Bernal, Rayver Cruz at Thea Tolentino.
Mataas ang expectations namin sa palabas dahil sa mga sumusunod na dahilan: Unang teleserye ito ni Rayver Cruz sa Kapuso network, consistent na top-rater ang mga programa nina Kris Bernal at Thea Tolentino lalo na sa afternoon prime at promising ang first two weeks nito noong si Jason Abalos pa ang gumaganap na Nathan/Catriona.
May promise sana ang programa lalo pa’t very intriguing ang konsepto na mag-asawa ang maglalaban para sa puso at pag-ibig ng isang lalaki. The twist there is ang isa ay trangender na dating mister ng isang babae. Kaloka, ‘di ba?
Before the show even started ay may mga fans na nagsasabi na what if sina Venus at Rachel pa rin ang magkatuluyan in the end?
Mukhang malabo na ito dahil habang tumatagal ay pasama ng pasama ang character ni Venus na dating si Nathan, which is now played by Thea Tolentino. Mas marami na rin ang eksena ni Venus over the super boring and dumb character of Rachel portrayed by Kris Bernal.
Nakakafrustrate lang dahil ang dating transgender bida sa afternoon prime na si Destiny Rose portrayed by Ken Chan ay super loved at palaban na bida. Dito, nuknukan ng kasamaan na tinalo pa si Georgia ni Ryza Cenon sa Ika-6 na Utos.
Sa sobrang boring ng character ni Kris Bernal dito ay maiinis ka na tuwing nakikita mo siya. As a viewer, you won’t root for her habang si Thea naman ay lutang na lutang ang pagiging masama.
Sana naman huwag na pahabain ang programang ito kung wala rin naman patutunguhan ang kuwento!