Tarantadong LRA Administrator at Panganiban ng Pergalan

HALATANG-HALATA ANG katarantaduhang ginawa ng administrator ng Land Registration Authority (LRA) na si Atty. Eulalio Diaz III.

Siya pala ang salarin, parekoy, kung bakit bago pa man nag-umpisa ang impeachment trial ng Chief Justice ng Supreme Court ay lumutang na sa media na nasa 45 ang real property nitong si Corona.

Kundi ba naman gago ang Atty. Diaz na ito, aba eh, biruin n’yong nagbigay ng listahan ang hinayupak na ito na nasa 45 diumano ang mga pag-aari ng mag-asawang Corona, ‘yun pala, kung kani-kaninong pangalan ang nasabing mga pag-aari!

Kaya napagalitan tuloy ng ilang senador ang grupo nina Rep. Niel Tupas sa prosecution team kung bakit ipinangalandakan nila noon na ganu’n karami ang Corona property gayung wala naman pala silang katibayan.

At ‘yan, parekoy, ay dahil nga sa katarantaduhan nitong si Atty. Diaz.

Wala naman sanang problema kung ang ginawa nitong si Atty. Diaz ay masasabi natin na isa lamang pagkakamali, bunga ng kalituhan o kabo-bohan sa trabaho.

Ang siste, parekoy, dahil naikunekta ni Sen. Miriam Defensor Santiago na ito palang si Atty. Diaz ay kaklase at appointee ng Pangulong Noynoy Aquino.

At halos alam na ng buong mundo na mismong si Pangulong Noynoy ang nanggagalaiti na mapatalsik si CJ Renato Corona.

Ibig kong sabihin, masisisi ba ni Atty. Diaz kung maghinala ang sambayanan na kaya niya ginawa ang nasabing katarantaduhan ay dahil sa utos ni P-Noy?

Dahil sa nasabing pangyayari, mas dumami tuloy ang mga tao na nagkaroon ng simpatiya sa mag-asawang Corona.

Kumbaga eh, kitang-kita kung paano ito binabraso ng Palasyo at ng mga KKK ni P-Noy!

TALAGANG MATINDI ang kamandag nitong si alyas Baby Panganiban na kasalukuyang gumagala sa Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon).

Si Panganiban, parekoy, ay nauna nang naiulat na kumukulekta sa mga pergalan (peryahang  front ng sugalan) linggo-linggo.

Ang nasabing halaga ay para umano sa ilang taga-media upang hindi kalampagin ang nasabing mga pergalan.

Kaya nga kaagad tayong nanawagan sa mga taga-media na maaari nilang ipasuri rito sa nasabing mga pergalan sa Calabarzon baka ang kanilang mga pangalan ay kasama sa ipinangungulekta nitong si Panganiban.

At kaya tayo naniniwala, parekoy, na matindi nga ang kamandag nitong si Panganiban dahil hanggang ngayon ay tuluy-tuloy pa rin ang collection nito sa diumano ay media connect para sa pergalan.

Hanga ako sa iyo alyas Baby Pa-nganiban! P’we!!!

PAKINGGAN ANG aking programang ALARMA Kinse Trenta sa radio station DZME, 1530kHz, AM band (dulong-kanan ng talapihitan) tuwing alas 6-7 ng umaga, Lunes hanggang Biyernes. Mapapanood rin ito via live streaming sa www.dzme1530.com. Anumang reaction ay ipaabot lamang sa [email protected] o CP No. 09098992775/ 09166951891.

Target
ni June Briones
[email protected]
09152121303

Previous articleHindi Lang Remittance ang Pakinabang sa OFW
Next articlePlaza Miranda, Dekada ‘60

No posts to display