MATINDI NA TALAGA ang ere sa utak ng sinumang responsible sa pagpapalayas sa mga taga-media d’yan sa Land Transportation Office.
Kundi ba naman hangal ang mga bwakang ina nila… ginawa na nga ng mga animal ang lahat ng kabulastugan na maaari nilang gawin sa nasabing tanggapan ay gusto pang yurakan ang karapatan ng mga mamamahayag!
Palibhasa kabarilan ni P-Noy itong si Asec. Virginia Torres kaya lumalaki na nang husto ang “hasang” ng hinayupak na ito!
Aba eh, matapos kalantariin ng babaeng ito ang usaping panloob ng kumpanyang Stradcom, ngayon ay ang mga mamamahayag naman d’yan sa LTO ang gustong balasubasin!
Nasasanay na kasi ang babaeng ito, parekoy, dahil nga harap-harapan kung ipagtanggol ito ni P-Noy!
Natatandaan n’yo pa ba ‘yung isyu sa Stradcom kung saan ang rekomendasyon ng DOJ ay isuspinde ang animal na ito?
Ayon… hindi nangyari.
Kasi nga, kabarilan ni P-Noy!
Hindi kaya alam ng Pangulo na hangga’t patuloy niyang kinukunsinti ang Asec. na ito ay patuloy namang lumalaki ang ulo!
Na pati ang karapatan ng mga mamamahayag sa LTO ay gusto nang iwasiwas nitong si Torres?
Naku ha, baka naman mahal na Pangulo, pagdilat ng mga mata mo ay wasak na ang iyong kredibilidad. Dahil sa katatanggol mo sa mga ganitong uri ng tao!
Ipalamon mo na lang kaya ‘yan kay lolong?
Hak, hak, hak… baka maski si lolong ay hindi ‘yan sasakmalin!
P’we!
NAGLIPANA SA CALOOCAN City ang mga video karera machine na nagsasadlak sa mga kabataan sa pagkagumon sa nasabing sugal.
Kaliwa-kanan na, parekoy, ang reklamo ng mga magulang ngunit sa hindi maipaliwanag na dahilan ay mistulang bingi ang tanggapan ni Mayor Recom Echiverri sa nasabing mga hinaing ng kanyang nasasakupan.
Maaaring may katotohanan nga, parekoy, ang sumasabog na balita sa Caloocan na kapag ang nasa likod ng isang transaction ay si alyas Al ay walang magawa ang mga pulis.
Dahil alam nila na ito ang taga-diskarte ni Mayor Recom Echiverri.
Ayon sa ating “tawiwit,” ang nasabing mga video karera machine na umaabot sa 500 units ay dating pag-aari ng gambling lord na si Sacho.
Hiningian umano ito noon ng pera nina Al at ng isang “matikas” na opisyal ng pulis-Caloocan para makapag-operate ng nasabing mga makina sa Caloocan City.
Ngunit nang nabulabog dahil sa walang puknat na halihaw ng media ay agad na pinaghuhuli ni Major Rod Soriano, ang hepe ng Special Operations Group ng Caloocan police.
Ang masakit, parekoy, ang nasabing mga hinuling video karera machines ang siya ngayong pinatatakbo ng ilang pulis.
At naging hanapbuhay na ito ngayon nina Al at ng nasabing “matikas” na opisyal ng pulis sa Caloocan.
Susmaryosep, Col. Jude Santos, may basbas mo rin ba ang nagaganap na ito sa iyong area of responsibility?
Hindi kaya may sabwatan na, Kernel, ang opisina mo at ang tanggapan ni Mayor?
Magkano ba ang tanggapan? Ha?
Makinig sa aking programang “ALARMA Kinse Trenta”, Lunes-Biyernes, 6-7 am, sa DZME 1530 kHz, at may “live stream” sa www.dzme1530.com. E-mail: [email protected]; call or text 09321688734.
Target
ni June Briones
[email protected]
09152121303