THIS EARLY, local politics in Pasay City (kung saan taal ang inyong lingkod) is abuzz with talks na tatakbong bise alkalde si Philip Salvador.
To be perfectly honest, hindi ko alam kung saan naninirahan ngayon ang multi-awarded actor, or if he has fulfilled the required minimum six-month residency in our city para maging kuwalipikado siyang kandidato come the 2013 elections. All I know, Kuya Ipe once gunned for an elective post in Mandaluyong City, but lost.
Without naming names, kilala ko ang mga susuporta sa kandidatura ni Kuya Ipe, na hindi rin naman iba sa kanya by virtue of their relationship by affinity. This support group was responsible for installing the new local leadership in Pasay City, but for some reason ay nagkawatak-watak ang political partnership na ‘yon.
Here’s hoping na hindi ginagamit si Kuya Ipe—for all his good intentions—bilang sacrificial lamb for his support group to get back at the incumbent leaders who have allegedly turned away after their heavily funded victory.
Bilang isang tubong-Pasay, bawat kilos ng mga naghahangad ng puwesto sa lokal na pamahalaan ay aming mamatiyagan nang bonggang-bongga. Magsilbing hamon sana ito kay Kuya Ipe in realizing that there’s more to his countless acting trophies than meet the eye.
HINDI PA man umiinit ang open forum sa presscon ng A Mother’s Story, halatang pilit ang ginawang pagpapangatawanan ng bida nitong si Pokwang in her bid as a comedic-drama actress.
Sa ipinakitang movie in the making, may yabang na inanunsiyo ng komedyana that in showbiz history, siya ang kauna-unahang comedienne who has crossed over to straight drama via the first ever TFC-produced (distributed by Star Cinema) movie.
And to live up to her image, pinanindigan nga ng hitad ang pagiging dramatic actress, yes, even at the event where the majority of the press in attendance believed na akting na akting ang komedyanang may ilusyon yatang kabugin si Ai-Ai delas Alas!
Malayo man ang hitsura ni Pokwang kung nagmukhang tao si Lolong, ang buwayang atraksiyon sa Agusan, but she shed buckets of crocodile tears sa simpleng tanong lang naman kung ano ang kanyang mga real-life sacrifices para sa kanyang pamilya.
Bago ang open forum na ‘yon at the Dolphy Theatre, inuurutan ng mga kanyang mga kaibigang kapwa reporter ang showbiz’s most loved Jobert Sucaldito who acted as co-moderator of Tita Ethel Ramos. The presscon for Pokwang’s movie—her launching pad at that—was timed during which all gift-giving occasions were being held one after the other.
Baka raw sa makarismang pambubuyo ni Jobert ay itaon na rin ni Pokwang sa okasyong ‘yon ang pamamahagi man lang ng mga GC (gift certificates) ng ineendorso niyang ice cream. Pero ayon sa mga reporter who stayed until the event drew to its close, waley!
Bagooo???!!!
KASTIGUHIN KAYA ni Atty. Sonny Matula, pangulo ng Federation of Workers, si Aling Marilyn sa dalawang kaso nito ng pananakit at pagmamalupit sa kanyang mga trabahante sa karinderia? Find out the answer in today’s episode of Face To Face titled Among Malupit, Sobra Na Nga Manakit, Pati Sahod Iniipit!
Samantala, mapaamin kaya si JR sa mga pinatulan niyang beki na friendship pa mandin ng kanyang live-in dyowa pag nalalasing? Kuwento ng tatlong beki, mismong si JR daw ang nag-aalok ng kanyang katawan when under the influence of liquor, bagay na isa nga namang malaking insult sa dyowa niyang bilatsina. Huwag palampasin ang Thursday episode na ito ng FTF na pinamagatang Lalaking Kapag Nalalasing, Mga Beki Ang Kasiping… Dyowa Niyang Babae Naggiyera-patani Nang Siya’y Mabuking!
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III