Tatlong Kaibigan

NAKALULUNGKOT NA sa pag-sipot ng 2012, nabalitaan ko ang pagsugod sa ospital ng tatlo kong matalik na kaibigan.

Si Perry P., 75, ay nagkaroon ng malubhang kumplikasyon sa pancreas at liver matapos ma-operahan sa nabubulok na gallbladder. Hanggang ngayon, seryoso pa ang kundisyon. Nu’ng huling dalaw ko, may tubo sa ilong at in extreme pain.

Si Perry ay college classmate ko sa Lyceum nu’ng dekada ‘60. Journalism course ang aming natapos. Sa loob ng apat na taon, higit pa sa magkapatid ang aming pinagsamahan. Sa aking panliligaw sa maybahay ko ngayon, siya ang aking alalay.  Exciting ang dekadang ‘yun. Kaliwa’t kanan ang street demos sa pagtaas ng gasolina, U.S. bases at repeal ng Spanish Law.  Si Perry ay isang napakahusay at sensitibong manunulat. Makabayan at kalaban ng pang-aapi. Magkasama kami sa school organ at sa marami pang ibang bagay pagkatapos ng aming mga classes. Sa mga bars at iba pang joints inuumaga kami sa pagtatalo sa suliranin ng bayan, U.S. imperialism, agrarian reform at exploitation ng mahihirap. Umanak pa ng maraming taon ang aming pagsasama.

Si Danny Esguerra, 72, ay kasalukuyang nasa ICU ng isang ospital. Massive cardiac attack. Pangalawang atake niya. Si Danny ay high school classmate ko sa Ateneo de San Pablo, dekada ‘50. Very studious at mabait na kaibigan. Mathematics ang kanyang specialty at ‘pag Math tests, ‘di puwedeng ‘di ko siya katabi. Pagkatapos ng eskuwela, magkasama kami sa pamimitas ng star apple at mangga sa tabi ng Sampaloc Lake. Mahilig kami sa musika. Napakarami naming dalisay na alaala na pinagsaluhan. ‘Yon lang pagkatapos ng high school, ‘di na kami halos nagkita. Nu’ng nakaraang Disyembre lang nang nabalitaan ko nangyari sa kanya.

Si Julius R., 54, ay kasama ko sa isang PR-Advertising agency sa Makati. Tatlong taon pa lang kaming magkaibigan.  Nakaraang araw, na-stroke siya at isinugod sa Makati Medical Center. Ligtas na subalit paralyzed ang kaliwang mukha.  Nahihirapan siyang magsalita nang matuwid. Si Julius ay beteranong advertising executive sa loob ng 3 dekada. Tunay na mabait at matulungin.

Sila’y tatlong nilalang na nakasama ko sa paglalakbay sa buhay. Mga ordinaryong tao na tulad ko ay may mga napagtagumpayan at nabigong pangarap. Ano ang aming patutunguhan sa dulo ng paglalakbay? Bakit ang buhay ay parang isang kisap-mata, isang patak ng tubig sa dagat o isang hihip sa balikat?

SAMUT-SAMOT

 

UMARANGKADA NA ang anti-corruption campaign ni Pangulong Noy. Isa-isa nang nananagot ang dapat managot, nagsimula kay dating Pangulong GMA. Sana lang pagtuunan din ng pansin ang pagpapalago sa ekonomiya, paglalatag ng programa sa job opportunities, peace and order at proteksyon sa kalikasan. Pabayaan na ang korte. Go ahead and concentrate on these equally pressing concerns.

TULUYAN NANG nagkawatak-watak ang House minority bloc. Ang away sa liderato ni Reps. Edcel Lagman at Danny Suarez ay matindi at tila irreconcilable. 29 solons ang bumubuo ng minority. Dapat silang lumakas at magkaisa.  Kailangan ang minority para sa check and balance sa legislature.

KABIBILI LANG ni boxing champ Manny Pacquiao ng isang P25-M yacht. Appeasement offering daw sa kanyang maybahay, Jinkee. Wala tayong reklamo riyan. Pinagpaguran ni Pacquiao ang kanyang ga-bundok na kayamanan. ‘Yon lang, huwag nang ipangalandakan. Ang daming naghihirap. Biro mo sa yaman ni Pacquiao, isang milyon lang ang ipinagkaloob sa Cagayan de Oro at Iligan typhoon victims!

MAHIGIT NANG 100 days ang panunungkulan ni Ruffy Biazon bilang Bureau of Customs Commissioner. May mga dramatic achievements ba? At ano ang nangyari sa controversial missing container vans na ikinatalsik ni Lito Alvarez?  Puro pipitsuging seizures lang ang nababalita natin. ‘Ala din palang epek si Biazon. Mag isip-isip si P-Noy.

KUMPIRMADONG MAGBUBUO ng sariling senatorial slate si Binay at Erap sa 2013 elections. Ang slate ay pangungunahan ni Sen. Koko Pimentel, PDP-Laban prexy. Invited as guest candidates are reportedly former Senators Jamby Madrigal at Dick Gordon. The PDP-Laban-PMP Coalition will also field local candidates nationwide. Portents that Binay is getting serious in his 2016 presidential bid. He has been moving around the country and very visible during times of calamities. Sen. Jinggoy Estrada is still mum on his political plans.

ANG OPOSISYON Lakas is a decimated political party. From her hospital cell, si dating Pangulo GMA ay non-factor. Ang pag-aaway ng leaders ng partido ay lalong nakakagulo. Subalit kailangan ng isang malakas na oposisyon para ma-preserve ang check and balance sa ating demokrasya.

PITIK-BULAG
By Ike C. Gutierrez

Previous articleSugal sa Parañaque at Bulok sa Customs
Next articlePamemeke ng Dokumento

No posts to display